《Kumot Kilabot [Filipino]》 Ang Pagbagsak ng Midnia Kung hindi ganito ang takbo ng mundo, hindi ako magdadalawang-isip na tumakas tayo. Hindi maalis ni Tydel ang kanyang isipan sa pag-uusap nila ni Jessenia. Kung may nasabi man siyang mali o masakit, kung kaya lang niyang mabago, tapos na ang lahat. Hindi na niya muling mababalikan ang nakalipas. Siguro sa sandaling iyon ay nalaman na ng puso niya ang kasagutan. Na kahit sobrang sakit... Kahit ayaw niya, si Tydel na ang hari ng Midnia. - - - Mga iilang linggo nang hindi nagpapakita ang kanyang papa. Nakahandusay sa higaan ang haring Idrola, walang salita, walang imik. Hindi kumukuha ng pansin, hindi namamansin. Noong isang gabi tinatak na ni Tydel sa isipan niya na wala nang buhay ang tatay niya. Sinisikap man ng mga manggagamot ng Midnia na maayos ang kalagayan ng hari, parang may nakaukit na sa utak ni Tydel na wala nang pag-asa. Mabilis na ring kumalat ang sakit sa mga nayon ng kaharian. Unti-unting nasisira ang pundasyon ng kaharian. Mas naramdaman ni Tydel ang pagiging mag-isa. Madalas na ngayong puntahan ni Tydel ang Amang Abracosa, ang matandang nagpalaki sa kanyang ama. Malaki ang kaniyang paghanga sa matanda, dahil hindi lamang sa pamumuno o pakikipaglaban ang karunungan na inaabot niya; isa siyang Mezular. Kagalang-galang ang mga Mezular sa loob ng bawat pader ng Midnia. Sila ang gabay ng sangkatauhan. Matagal na silang naririto sa mundo. Marami ang nagsasabing sila ang mga katulong ng Inang Kalibutan, ang diyosang kanilang pinaniniwalaan, lalo na''t marami sa kanila ang mayroong kakaibang kapangyarihan na nakakatulong sa pag-unlad ng bansa. Ang kanilang karunungan ang nagbibigay liwanag sa bawat desisyon na ginagawa ng gobyerno at ng mamamayan. Kailangan ni Tydel ang karunungan na ito. Kailangan niyang malaman kung paano maging isang hari. Pero sa bawat pagkikita nilang dalawa ni Abracosa, tila may nawawalang liwanag sa langit. "Amang Abracosa, nararamdaman mo ba?" Napatingin si Abracosa sa kanya, parang may kakaunting kinang pa sa mata ng binata. "Ano iyon, anak?" sagot ng matanda. "Unti-unting dumidilim ang kapaligiran. Sa tingin ko''y hindi lang ito dahil sa panahon. Sa tingin ko, may paparating." "Palagi namang may paparating, Tydel. Hindi lang tayo handa." malungkot na sinabi ni Abracosa. Kaniyang tiningnan ang lapag at hinaplos ang damo. Patuloy pa rin ang kaniyang pagsasanay. Araw-araw niyang sinisikap na aralin ang bawat salita sa mga librong nakatanghal sa mga pader ng bahay ni Abracosa. Tinulungan ng matanda si Tydel na gumamit ng baril at tabak, kung dumating man ang panahon na dahas na ang kinakailangang paraan. Napansin ni Tydel ang pag-aalinlangan ni Abracosa sa simpleng pagbibigay ng baril sa kanya. Nahalungkat din ni Tydel ang mga librong nagpakita ng kasaysayan ng Midnia, kung paano ba ito nabuo. Bata pa lamang si Tydel noong nagsimula ang Midnia. Ngunit, sa kanyang mga alaala''t panaginip, dinig niya ang sigaw ng mga tao, ang pagsunog sa mga bahay, at ang isang koronang tinalsikan ng itim na dugo. "Napapaginipan mo pa rin ba ang pagtakas natin sa Teccao?" biglaang tanong ni Abracosa, na tila alam niya ang iniisip ni Tydel. "Oo, ama, hindi ko maintindihan. Ang alam ko lang, patuloy ang pagdurusa ng kaharian natin dahil sa kanila. Dahil sa kanila, patay na si tito. Nagawa nilang patayin ang pinakamalakas nating mandirigma. Ano pa ba ang hindi nila kayang gawin?" iyak ni Tydel. "Mga iilang linggo nalang bago sila ulit umatake." sabi ni Tydel habang tumitingin sa mga pahina ng libro. Nagsimula siyang gumuhit ng larawan ng pagkamatay ng kanyang tito. Huminga nang malalim si Abracosa. "Sa tingin ko, kailangan mo nang malaman ang katotohanan." sabi niya. Tumayo si Abracosa sa kanyang inuupuang bato. Sinayaw ng hangin ang kanyang puting buhok. "Noong bata ka pa, Tydel, tumakbo tayong mga Midnian mula sa Teccao. Lahat tayo dito ay mga Teccian noon. Ngunit tinuligsa natin ang mga utos ng gobyerno, dahil nakakasama ang kanilang pamamahala. Binigyan ni Grandor, ang hari, ang kaniyang militar ng kalayaan sa pag-aresto ng mga taong kasalungat niya. Iilang nayon ang napaalis nung araw na iyon. Ang ''Araw ng Pagbabago." Lahat ng ito, dahil sa maling tao napunta ang korona ng Teccao." Tahimik na lumuha si Tydel. Isang tingin lang ni Abracosa sa binata at alam na niya ang katanungang umiikot sa isipan niya. "Desisyon ng papa mo na itago sa iyo ang katotohanang ito. Lahat ng mga tao, lalo na ang iyong mga guro, kinausap niya." Tinago ni Tydel ang kanyang mga luha kay Abracosa. Napatingin siya sa dumidilim na langit. "Kung hindi ako ang nararapat na maging hari ng Midnia, handa akong sumuko. Ngunit hindi ako titigil na lumaban para sa kaharian¡ª" "Hindi ganiyan ang intensyon ng ama mo. Sa totoo, ang kinakatakutan niya ay ang labis mong pagmamahal sa bansa. Noong sanggol ka pa lamang, Tydel, may naramdaman na ang mga Mezular sa tibok ng puso mo. Ikaw lang ang pupuwedeng maging hari ng kahariang ito." Tumingin si Tydel sa matanda. "Kung ganoon, bakit ''to tinago sa akin?" "Dahil alam nating dalawa kung ano ang gagawin mo, kung sakali mang malaman mo." Lumakad si Abracosa papunta kay Tydel at umupo sa tabi ng binata. "Mahal na mahal ka ng tatay mo, Tydel. Ayaw niyang mapahamak ka''t masaktan dahil lamang ikaw ang anak niya." Malungkot na nagsalita si Tydel. "Hindi ko kinakaya na humilata lang habang nilulusob tayo buwan-buwan ng mga Teccian. Kailangan kong gumawa ng paraan para matapos ang gulong ito." "Tydel, alam kong puro ang iyong intensyon, pero sana maintindihan mo ang kahalagahan ng dugo mo. Kung walang mamamahalang Dysplis sa Midnia, babagsak lang ang kaharian. Iyan ang matagal ko nang panaginip, Tydel." "May dugong Dysplis din si mama, kaya niyang maging reyna ng kaharian." "Makakayanan niya, oo. Magaling ang mama mo. Pero sa darating na panahon, mas kailangan ka namin, Tydel." Tumayo si Tydel. "Hindi ko kayang umupo lamang. Kailangan kong tumayo, lumaban! Amang Abracosa, kailangang kong pumunta ng Teccao¡ª" huminto si Tydel sa kanyang mga salita. "Doon ko lang magagawang mabago ang landas natin..." Tumahimik sila nang ilang sandali. "Pagpapakamatay lang ang gagawin mo, anak." wika ni Abracosa. "Handa na akong mamatay para sa bayan." Umambon na nang konti sa paligid nila. Nagsimula nang bumalik sa bahay-kubo ni Abracosa ang mga ibong kanyang inaalagaan. Inilatag ng matanda ang kanyang kamay sa mainit na damuhan, na parang may hinihingi siyang kasagutan mula sa lupa. "Alam mo, Tydel, ito ang palaging sinasabi sa amin ni Inang Kalibutan; sa bawat paggalaw natin, hindi lang ang isip ang dapat na gumagana. Kailangan din nating tanungin ang ating puso. Dahil sa kalaliman ng ating mga puso, namumuhay ang parte ng ating pagkatao na nakakabit pa sa ating pinanggalingan. Na magsasabi sa atin kung ano ang nararapat na pasya." "Ano kaya ang sagot ng puso mo, Ama?" tanong ni Tydel. "Na kinakailangan mong intindihin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng puso." sagot ni Abracosa. Nilagay ni Tydel ang kanyang kanang kamay sa kaliwang dibdib. "Hindi ko alam kung kakayanin ko ang hinihiling mo.¡± - - - Dumating ang panahon na mas lumaganap lamang ang sakit sa bawat nayon ng Midnia. Ginawa ng lahat ng mga manggagamot ang kanilang makakaya, pinagod ang kanilang mga katawan hanggang sa wala nang maibugang salita. Sa tulong ng mga Mezular at ang mga pinagkakatiwalaang tao ni Idrola, maraming buhay ang nasagip. Ngunit hindi ito sapat para ibangon muli ang kaharian mula sa paghihirap. Punong-puno ng lagim ang mga kalye ng Midnia. Halos walang taong makikita sa bawat sulok ng kaharian. Kung mayroon man, ito ang mga taong pinalabas ng kanilang pamilya sa takot na mahawaan ang iba, na silang mahahanap ng mga guwardiyang umiikot-ikot sa mga nayon upang makita ang kalagayan ng tao. Mabilis silang itatakbo sa ospital, pero halos lahat ng mga pasyenteng naghihintay sa kanilang pagkakataon ay namamatay na lamang sa gutom at init. Bawat araw, mas lumalakas ang ulan sa Midnia. Sa dami-rami ng masasamang pangitain, mas tumindi lamang ang pinaninindigan ni Tydel. Kailangan niyang umaksyon. Kung hindi, hindi siya isang totoong prinsipe. ¡°Sa susunod na lumusob ang Teccao, maghahanda na ako. Pupunta ako sa ugat ng lahat ng ating problema at ipapangako ko sa inyong lahat na masisira ko ito.¡± biglaang wika ni Tydel kay Amang Abracosa habang pinapakain ng matanda ang kanyang mga ibon. ¡°Siguro nga¡¯y hindi na kita mapipigilan. Pero iisa lamang ang tanong ko sa¡¯yo. Ano ang iyong plano?¡± sabi ni Abracosa. Lumapit si Tydel sa kanyang guro na may hawak na balde ng pagkaing-ibon. ¡°Hindi ko rin alam, ama. Pero ang alam ko¡¯y kapag nandirito lang ako, walang magandang mangyayari sa atin.¡± Buntong-hininga na lamang ang lumabas kay Abracosa. ¡°Mayroon akong alam na puwede mong simulan.¡± sabi ng matanda. Pumasok sila sa kanyang silid-aklatan, isang maliit na kwartong mataas ang bubong at sa bawat pader ay nakahiga ang libo-libong mga libro. Liniwanagan ng sikat ng araw ang mga sulok ng kwarto. Inabot ni Abracosa ang isang panikwas sa kanyang gilid at unti-unting gumalaw ang mga pader at bumaba ang mga istante. Nang mapunta na ang aklat sa maaabot ni Abracosa, itinigil niya ang paggalaw ng pader at inabot kay Tydel ang libro. Binuksan ng binata ang mga pahina at kanyang nakita ang isang nayong namumuhay sa loob ng isang latian, na kahit umaga man ay madilim. Ngunit nakikita rin niya ang kasiyahan ng mga tao sa iginuhit na larawan. Para bang walang pahid ng digmaan sa kanilang mga pader. ¡°Ang nayon ng Cura. Ang kinalimutang nayon ng Teccao. Nasa kanila ang solusyon sa sakit na lumalaganap sa kaharian. Kung iyong mabigay ito sa atin, pupuwede ka nang magpahinga sa mga natitirang araw ng buhay mo.¡± sabi ng matanda. ¡°Ngunit mahirap itong pasukin. Kung tinanong ka, sabihin mong ipinadala ka ni Amang Abracosa. Pero, hindi ko maipapangako ang iyong tagumpay.¡± ¡°Opo, ama. Maraming salamat po.¡± at niyakap ng binata ang kanyang tagapayo. Tumulo ang luha ni Abracosa sa mga buhok ni Tydel. ¡°Maghahanda ako para sa iyong paglalakbay. Kailan ka aalis?¡± sabi ni Abracosa nang nilulunok ang kanyang kalungkutan. ¡°Ngayong gabi ¡®ho, ama.¡± ¡°Magkita tayo sa gilid ng kagubatan. Magpaalam ka na sa mga minamahal mo.¡± Nang umalis na si Tydel mula sa kanyang bahay, lumabas si Abracosa at umupo sa hagdanan ng kanyang bahay-kubo. Dinamdam ng kanyang mga paa ang init na ibinibigay ng lupa. At siya¡¯y umiyak, nilabas ang kanyang pighati. Bakit siya ang dapat isakripisyo? Sa dami-rami ng tao sa kaharian, bakit siya? - - - ''Tydel, hindi ko kakayanin ''to...'' ay ang mga salitang sumira sa puso ng binatang prinsipe. Noong hapong iyon ay nagsimula nang pumunta si Tydel sa kanyang mga kaibigan mula sa akademiya. May dilaw na kinang ang gilid ng langit at lupa na tila magsilbing kolorete sa paglisan ng araw. Mabilis siyang nakapaglibot sa nayon gamit ang kanyang motor; halos walang lamang sasakyan ang mga daan. Mabuti rin at walang nakakilala sa kanya, marahil dahil na rin sa suot niyang salakot, o dahil kakaunti na lamang ang naglalakad sa mga kalye. Ayaw niyang maisip ng tao na aalis papuntang ibang kaharian ang pag-asa nila. If you spot this narrative on Amazon, know that it has been stolen. Report the violation. Nang pagpasok ni Tydel sa bahay ng kanyang pinakamatalik na kaibigang si Hernando, tila wala nang natirang kasiyahan sa paligid. Nagkasakit ang ina ni Hernando ngunit pinipilit pa rin nyang gumalaw para alagaan ang kanyang mga anak. Sa nakita ni Tydel, siya ang nag-aasikaso sa pagpapanatiling malinis ng bahay; parang malapit nang bumagsak ang matanda. Bago pumasok si Tydel, iniwan niya muna ang sapatos niya sa tapat ng pinto. Umiiyak na pinapasok ng ina ni Hernando ang prinsipe. "Iyong Kataas-taasang Prinsipeng Tydel, hindi niyo na kailangang hubarin ang inyong sapatos¡ª" "Salamat po, Inay, pero hindi po mawawala ang paggalang ko sa inyo kahit ako''y maging hari." Mas lumala ang pagluha ng ina. Sa sandaling iyon, bumaba na si Hernando mula sa kanyang kwarto at huminga nang malalim nang makita ang presensya ng kanyang mahal na kaibigan. Nag-alok si Hernando ng tasa ng tsaa ngunit tinanggihan ni Tydel, sinabing, "Hindi ako magtatagal." Umupo si Hernando at humigop sa kanyang tsaa. "Naaalala mo pa ba ''yung araw na muntik ka nang mabaril ng guwardiya?" Ngumiti si Tydel. "Oo. Grabe ka kasi, ''di ka mapakali. Ayan, muntik na ''kong mamatay dahil sa''yo." Tumawa si Hernando. "Alam mo, ''yun din ang araw na nalaman kong gagawin mo ang kahit ano para sa kabutihan ng kahit sino man¨C maliban sa sarili mo." Humina ang ngiti ni Tydel. Tumingin siya sa lapag. "Hindi ko mapigilan. Ito na ako." "Kung kaya ko lang na masamahan ka, Tydel, gagawin ko nang walang pag-aalinlangan. Alam mo ''yan." sabi ni Hernando. "Alam ko, ngunit mas mahalaga ang pamilya mo." sabi ni Tydel. "Parang tanggap ko na na mamamatay si Inang. Oras nalang talaga ang hinihintay." buntong-hininga ni Hernando. "Hindi lang ang nanay mo ang kailangan mong asikasuhin. Nandyan pa ang mga kapatid mo." Tumahimik nalang si Hernando. "Mag-ingat ka. Kailangan mong bumalik para sa bayan." "Hindi ko maipapangako, pero gagawin ko ang aking makakaya." Umalis si Tydel pagkatapos siyang yakapin ni Hernando. Kay sakit sa kanyang puso na maaaring ito na ang huli nilang pagkikita. Naramdaman din niya ang kakaunting galit na mayroon si Hernando. Ngunit wala na siyang magagawa pa. Huli na ang pag-uusap nila ni Jessenia. Marahil hinuli niya dahil hindi pa niya kaya. Dahil hindi pa siya handa. Ngunit may sagot na ang puso niya, hindi lang niya masabi. Natatakot siya. Ayaw niya muna. Labis nilang sinuportahan at minahal ang isa¡¯t isa, kahit na ang Midnia ay nawawarak na sa pagitan nilang dalawa. Hanggang ngayon, si Jessenia pa rin ang munting apoy na sumasama kay Tydel sa mundong kay lamig. Kung puwede lang sanang manatili nalang siya sa kanyang mga kamay sa sandaling magkita sila mamaya¡­ Gayunpaman, kahit gaano kabigat ang puso ni Tydel, kailangan na niyang pakawalan ang tanging nagbibigay sa kanya ng liwanag. Sa kanilang pagkita, umiiyak na ang dalaga. Basa sa ulan, naghihintay sa tapat ng kanyang bahay para masulyapan lamang ang minamahal. Pagbaba ni Tydel sa motor ay sinalubong siya ng halik ni Jessenia. May luhang tumulo sa kanyang mata nang maisipan niyang huminto muna at manatili. Sana ganito nalang ang takbo ng oras. Mabagal, pero walang hinto. Para mas madama niya ang pagmamahal ni Jessenia. Para maisang-tabi na muna niya ang kanyang mga problema. Umiyak ang dalawa at nagyakapan sa ilalim ng ulan. Sa isipan ni Tydel, halos iisang oras silang nandoon, sinusulit na lamang ang sandali. Sa wakas, nagawa ring magsalita ni Tydel. ¡°Anong ginagawa mo sa kalagitnaan ng daan? Bakit hindi ka pumasok, ang lakas ng ulan, mahal.¡± ¡°Parang naramdaman ko na na aalis ka. Hindi ko alam kung bakit pero alam ko¡­¡± iyak ni Jessenia, at naramdaman ni Tydel ang higpit ng kanyang yakap. ¡°Patawad, mahal.¡± ¡°Tydel, hindi ko kakayanin ''to¡­¡± Hindi na napigilan ni Tydel ang kanyang luha. Mahinhin niyang nilagay ang pisngi ni Jessenia sa piling ng kanyang mga daliri; kay lambot ng kanyang hawak, kay sakit ng sandali. ¡°Tingnan mo ''ko. Alalahanin mo ang mukhang ito. Maraming araw ang darating bago mo ako makita muli, pero ipapangako ko sa iyo¡­¡± Napahinto si Tydel. ¡°Pasensya na¡­ hindi ko maipapangako ang pagbalik ko.¡± ¡°Alam ko, hayaan mo na muna akong mahawak ka nang matagal.¡± sabi ni Jessenia kahit pagod na ang labi. ¡°Kung hindi lang ako ang prinsipe, mahal¡­ Kung hindi ganito ang takbo ng mundo¡ª¡± ngunit hindi natapos ni Tydel ang kanyang mga salita. "Pero ganito ang takbo ng mundo. Ang sakit ring isipin, Tydel¡­¡± luha ni Jessenia. ¡°Pero may iisa akong maipapangako sa iyo. Tingnan mo ko, mahal.¡± Nagkita ang mga mata ng dalawa. Bulong ni Jessenia, "Kahit man may galit sa atin ang mundong ito, pipiliin ko pa ring tumakbo sa tabi mo. Ipaglalaban ko ang pagmamahal natin. Paninindigan kita. Kahit hindi ko na kaya, sa¡¯yo pa rin ako¡­" Nanginig ang katawan ni Tydel at nanghina siya sa kamay ng kanyang minamahal. Hindi pinakawalan ni Jessenia si Tydel. ¡°Kung ito ang kasagutan ng puso mo, ito ang ipagpatuloy mo.¡± sabi ng dalaga. "Mahal na mahal kita. Paalam, Jessenia." - - - Tahimik na ang mga sumunod na oras. Pagbalik ni Tydel sa palasyo ay hindi na siya nakapagsalita, kahit sa harap ng kanyang sariling inang si Lumina. Hindi niya magawang mabanggit lamang ang kanyang paglisan, dahil alam niya ang gagawin ng kanyang mama. At kahit salungat sa kaniyang kalooban, kailangan niyang ilihim ang nararamdaman. Kinulong ni Tydel ang sarili niya sa kanyang kwarto upang makapag-impake ng kanyang gamit. Ang baril, kutsilyo, iilang pagkaing pinapakain lamang sa militar, mga damit na pang-sibilyan, lahat ay ipinagkasya sa isang maletang kayang ikarga ni Tydel sa kanyang likod. Ngunit hindi siya makalabas. Bumagsak ang binata sa sahig, natapon ang laman ng maleta. Hindi makahinga nang maayos, patuloy na tumutulo ang pawis. Mayroon pang takot na pumipigil sa kanya, at kahit ipinipilit niya itong itulak pababa, hindi niya maiwasan ang pangangamba. Unti-unting humihigpit ang kanyang mga baga, at namumula na rin ang kanyang mga mata sa pag-iyak. Niyakap niya ang kanyang sarili habang nakahilantad sa lapag. Wala siyang magagawa kundi ang maghintay sa pagtigil ng lahat. BOOM. Sa lakas ng pagsabog na narinig ni Tydel, bumalik siya sa kanyang pag-iisip at nakahinga nang malalim. Hindi niya alam kung iilang minuto siyang nakahiga sa sahig. Biglang kumalog ang lapag, umugoy ang palasyo, habang binibigyang-kahulugan pa ni Tydel ang nangyayari. Lumabas siya sa kanyang kwarto at tiningnan ang mga pasilyo; kaliwa¡¯t kanang natatarantang tumatakbo ang mga trabahador. Sa labas ng bintana ay dinig niya ang sigaw ng mga tao. Ang kaninang dilaw na liwanag sa pagitan ng langit at lupa ay ngayo¡¯y naging apoy na kumukumot sa ulap ng Midnia. Sa sandaling iyon, nalaman na niya ang nangyayari. Nandito na ang Teccao. Iisa lamang ang nasa isipan niya, na hindi pa siya nakakapagpaalam sa kanyang ama. Mabilis niyang tinakbo ang mga hagdang patungo sa kwarto ng hari, kahit na sinusuntok na ng puso niya ang kanyang dibdib, kahit na binabaha ng pawis ang kanyang katawan. Sa sandaling iyon, hindi man lang naisip ni Tydel na may sakit ang kanyang ama, na maaari siyang mahawa''t mapahamak ang kanyang misyon. Gusto lamang niyang masilayan muli ang kanyang papa, kahit ang ibig-sabihin nito ay ang kanyang sariling pagkahina. "Papa! Gumising ka, sige na, papa¡­" dumapa si Tydel sa gilid ng kama, hawak ang kamay ni Haring Idrola malapit sa kanyang mukha. "Anak¡­ oras na ba?" bulong ni Idrola. "Nandyan na sila, kailangan na nating umalis! Halika, papa, tutulungan kita pababa, sige na¡­" "Hindi na, anak¡­ Hayaan mo na ako. Bakit ka pa pumasok dito? Mahahawa ka lang ng aking sakit¡­" ¡°Papa!¡± sigaw ni Tydel nang may malakas na pagbagsak sa gilid ng pader. ¡°Hindi mo ba ako naiintindihan? Umaatake na sila! Wala akong pakialam kung magkasakit ako, kailangang mailigtas ka¡ª ¡± ¡°Naiintindihan kita, Tydel.¡± Tinitigan ni Tydel ang kanyang papa, at kusang pinakawalan ang kanyang kamay. ¡°Hindi ko pa nga tanggap, papa. Akala ko¡¯y wala na akong pakialam kung lumisan ka, na malakas na ako, na hindi na ¡®ko duwag. Pero mali ang akala ko¡­ Tulungan mo ako, papa. Mahina pa ako.¡± ¡°Mahina rin ako, anak. ¡®Yan ang ¡®di alam ng nakararami. Pero sinubukan ko, kahit na nilason ako at pinabayaan ng mundo, kinaya ko.¡± ¡°Paano, pa?¡± ¡°Kumapit lang ako sa pag-asang magiging mabuti rin ang takbo ng panahon.¡± ngiti ni Idrola habang kanyang hinawakan ang kamay ng anak. Napaluha si Tydel. ¡°Iisa lang ang taong nakikita kong gigising sa kinabukasang pinapangarap ko.¡± sabi ng hari. Tumingin si Idrola sa bubong ng kwarto at pinikit ang mata. Hinubad niya ang korona at ipinakita sa kanyang anak. Nakakabulag ang gintong kinang nito, na tila tumitingin ka sa langit. Ang mga perlas na nakakalat sa bawat gilid nito, ang mga naka-ukit na larawan sa mga dulong patulis; kaakit-akit. Ngunit hindi man lang humanga si Tydel sa kagandahan nito. Nang ibaba ng hari ang korona sa ulo ni Tydel, napabagsak ang binata sa sahig at nanatili ang korona sa mga kamay ni Idrola. Hindi na napigilan ni Tydel na ilihim ang kanyang paglisan. ¡°Papa, hindi ko pa kaya. Pa, aalis ako, hindi ko alam kung babalik pa ako ng Midnia!¡± Nanlaki ang mata ni Idrola at nawala ang ngiti sa kanyang mukha sa pagkarinig ng mga salita ng kanyang anak. Buntong-hininga na lamang ang lumabas sa kanyang bibig. ¡°Ikaw lang ang tunay na hari ng kaharian natin. Hindi ko ito maibibigay sa iba. Ikaw ang pag-asa natin, anak.¡± ¡°Bakit hindi mo ibigay kay mama?¡± ¡°Mahina na rin siya, anak¡­ Sa mga susunod na araw ay magkakasakit ang mama mo.¡± ¡°Papa¡­¡± iyak ni Tydel. May nagsimulang sigawan mula sa kabila ng mga bintana. Mayroon nang mga taong bumabalibag sa pinto ng palasyo, nagmamakaawang papasukin sila. Huminga nang malalim si Idrola, at tumahimik ng ilang segundo. Nang pagbukas ng kanyang mata, tumingin siya sa kanyang anak na para bang tiyak na ang kanyang desisyon. ¡°Ano man ang iyong gawin, alam ko na ikabubuti ito ng bansa. Kahit hindi mo suot ang korona, ikaw ang aming bayani, Tydel.¡± Tiningnan ni Tydel ang kanyang ama. Mahina na, namumuti na ang pisngi. ¡°Paano na ang Midnia, papa? Hindi ko kayang ipagpaliban ang aking misyon. Ngunit hindi ko rin mapapabayaan ang kaharian!¡± ¡°Tama ka¡­ mas lalaki lang ang apoy sa Midnia kung hindi ka aalis. At wala na rin naman akong magagawa kung iyan ang iniisip mong kailangang mangyari. Ikaw lamang ang tanging taong alam kong may puro at tapat na pagmamahal sa bayan.¡± ¡°Salamat, papa¡­ sa lahat.¡± Hinalikan ni Tydel ang noo ng hari. Tumakbo si Tydel papalabas ng kwarto nang may luha sa kanyang mata, habang lumalabo ang kanyang paningin at unti-unting namumula ang paligid. Sa kanyang likuran, narinig niya ang pagbagsak ng gintong korona ng Midnia. Iniisip niya kung ano ang kanyang iniwanan, ang kanyang isinuko, para lang maging bayani ng bayang bumabagsak na. Manghihinayang kaya siya sa kanyang desisyon? Nang may mabilis na pagtibok ng puso, tumalon ang Haring Tydel mula sa bintana. Palabas ng palasyo, papunta ng kagubatan; paalis ng kaharian. - - - "Patay na ang hari." Sa kaguluhang nangyayari sa kabilang dulo ng kagubatan, hindi na ipinakita ni Abracosa ang tunay niyang naramdaman. "Oras na rin ng kanyang pahinga." bulong ni Abracosa. "Ama¡­ bakit kailangang ngayon mangyari ''to?" Luha ni Tydel habang ibinabagsak ang kanyang mga gamit sa buhangin. Nagningning ang tubig dagat ng pula at ginto sa mga apoy ng Teccao. "Wala nang oras para damdamin ang nangyari. Wala nang maiiba. Kailangan nalang nating umusad." Mula sa tubigan ay pinaangat ni Abracosa ang isang malaking makinang tawag nilang submarino. "Ito ang sasakyan mo papuntang Teccao. Nakasaad na ang ruta niyan, kailangan mo nalang maghintay. Ang kadiliman ng tubig ang kaibigan mo sa panahon mo sa ilalim. Sa pagbagsak mo sa mga lupain ng kaharian ay darating na rin ang mga bangka nila. Mag-ingat ka. Huwag kang magpapakita sa kahit kanino." paalala ng matanda. "Ama¡­ Mag-ingat rin kayo." "Pinoprotektahan tayo ni Inang Kalibutan. Huwag kang mag-alala." Mula sa leeg ni Abracosa ay tinanggal ang isang kuwintas na yaring kahoy at dahon. Napunta ito sa mga kamay ni Tydel. "Palagi mong tandaan, Tydel," pinatuloy ni Abracosa. "Hindi tumitigil ang pagmamahal ng Ina sa atin." Sinuot ni Tydel ang kuwintas. Sa segundong nagdikit ang kahoy nito at ang balat niya, tila nagkaroon ang bata ng kakaibang lakas at galak na matapos ang misyon. Lumiwanag nang kaunti ang kanyang paningin, nawala ang dilim ng gabi. Nagkaroon ng munting kinang ng pag-asa ang kanyang puso. Sa iilang saglit ay naramdaman ni Tydel na mayroon siyang kakayahan at kapangyarihan na ipagpatuloy ang landas. Hindi na muling lalabo ang kanyang pagtingin sa abot-tanaw. Malinaw ang tagumpay. "Salamat, Ama, sa lahat ng itinuro at ibinigay mo sa akin. Hindi kita bibiguin." "Tydel, sa simpleng pagtapak mo sa labas ng palasyo, tinanggal mo na ang lahat ng mga duda ko. Nagtagumpay ka na sa aking mga mata." Ngumiti si Tydel, isang munting ngiti ngunit taos-puso at totoo. Kay tagal nang nakalipas mula noong huli itong nakapiling ng puso niya. Sa pagsakay ng bagong hari sa submarino, wala nang nagpabigat pa sa kanyang damdamin. Handa na siya, kahit na pininturahan ng luha''t dugo ang daang kanyang tatahakin. Walang pag-aalinlangan niyang hinanda ang makina. Unti-unting lumubog ang submarino, palalim nang palalim hangga''t ang tanging yumayakap sa kanya ay ang kadiliman. Ngunit hindi nakaramdam ng takot si Tydel. Malakas ang loob niya na malalagpasan niya ito. Umandar na ang makina, palayo ng kaharian. Sa likuran, tiningnan ng bagong hari ang iniwanan niyang kaharian mula sa ilalim ng tubig. Ang ilaw sa maitim na gabi. Nagsusumikap ang mga sundalo ng Midnia na labanan ang mga pumapasok na kabalyerong Teccian. Tila namula na ang mga pader ng mga gusali sa mga talsik ng dugo. Nangibabaw ang ilaw ng mga apoy na sinunog ang pag-asa ng bayan. Sa ere ay may mga barkong lumilipad, inulanan ng bomba ang mga depensa ng Midnia. Patuloy pa rin ang laban, at walang umatras sa mga Midnian. Tinadtad ng bala ang mga barko, sinaksak sa puso ang mga Teccian, at tinulungan ang mga manggagawa na tumakbo paalis ng gulo. Nananalo ang Midnia, ngunit kung sa huli ay putol ang kanilang paa, walang mauwiang pamilya, ano pang silbi ng giyera? At ang nasa isip ni Tydel, ay ang kanyang pagkawalang-imik sa nangyari. Pero, hindi na niya kayang tumalikod. Paabante lang ang kanyang galaw. "Paalam, Midnia." Ito na ang huling tingin ni Tydel sa kanyang iniwanang kaharian. Kung siya ma''y makabalik, ibang lugar na ang kanyang mauuwian. Ang Prinsipe ng Teccao ¡°Magdiwang tayong lahat! Sapagkat ako ang prinsipe ninyo, at muli nanamang nagtagumpay ang ating mahal na Teccao! Mabuhay!¡± Ngayon ang araw na magbubukas ang Koliseo, ang gusaling ipinatayo ng Haring Grandor, kung saan mapapanood ng publiko ang iilang bilanggong pinwersa sa labanan at patayan. Ngayon din nila inaasahang babalik ang armadang pinadala ni Grandor sa Midnia. Nagkaroon ng pagtitipon ang Prinsipe ng Teccao sa kanyang akademiya. Nanginig ang mga pader ng akademiya sa mga sigawan ng Prinsipeng si Rudy at ang kaniyang mga kaibigan (na mas angkop pa kung tawaging mga alipin). Hindi na lumipas ang iisang araw na matahimik nang iilang saglit ang silid-aralan sa itaas ng gusali, kung saan nakaupo ang mga matatalino, mayayaman, nakakataas sa iba. Ngunit tila wala nang pumapasok na karunungan sa mga tainga ng mga bata; kung dito ba naman kasi pinasok ang anak ng hari, na may kasaysayan na ng pagiging makulit, agresibo, pikunin¡­ Maiiintindihan mo kung bakit marami ang lumipat sa ibabang palapag matapos ng pag-anunsyo ng kanyang pagdating. Himala namang may mga estudyanteng sinikap na maging malapit sa prinsipe. Bagaman halos lahat ng mga batang ito ay pinilit lamang ng mga magulang nila upang mapalapit lamang sa mga maharlika, ikinalugod ito ng prinsipe at tinanggap sila bilang kanyang mga alagad. Ngunit ang iba naman ay sadyang napalapit lamang sa prinsipe dahil sa kanilang magkaparehas na pag-uugali at pagtingin sa buhay. Nang inaasahan, sila itong mga pasaway sa klase, ang mga hindi nakikinig, mga nawawala nalang nang biglaan habang nagkakaroon ng talakayan sa silid-aralan. ¡°Arbo!¡± sigaw ni Prinsipe Rudy habang may nakasiksik na isang buong pandesal sa kanyang bibig, ¡°Dalhin mo mamaya ¡®yung alak, wala namang makakakita sa¡¯tin dun!¡± Tumawa ang madla, at si Arbo, sumabay na rin. Kay gulo ng mesa, hindi na mapigilan ng mga bata ang kanilang kasiyahan. Ang dami nang nabasag na baso¡¯t plato. At parang muntik na bumigay ang lapag dahil sa kaguluhan. Ganunpaman, hindi lahat sa kanila ay nakikisabay sa gulo. Sa gilid ng silid-aralan ay nananahimik ang batang si Kalindor at ang kanyang mga kaibigan. Hindi nalang nila pinapansin ang nagaganap sa silid, sa pag-asang hindi na rin sila mapansin ng iba. Pero sa kailaliman ng puso ni Kalindor, gusto niyang magsalita. Minsa¡¯y iniiwasan lang niya, lalo na¡¯t siya ang anak ng isa sa mga kabalyerong pinagkakatiwalaan ng hari. Hindi niya kayang malagay sa panganib ang trabaho ng ama. Ngunit¡­ ang hirap. ¡®Imbis na mag-aral¡­ sinasayang niyo ang pera ng mga magulang ninyo.¡¯ iniisip ni Kalindor. ¡®Hindi ba itinuro sa atin ang maayos na pag-uugali sa tapat ng hapagkainan? At ang prinsipe pa itong madalas na kasama ng mga Mezular. Balewala lang ba ang lahat ng itinuro sa akin ng tatay ko sa labimpitong taong nandito ako sa Tierra?¡¯ ¡°Hoy, umiwas ka diyan, kakainin ko pa ¡®yan. Akin na nga-¡± biglang banta ni Rudy sa isang maliit na kaklase nilang gustong makatikim ng lugaw. Nagmakaawa ang batang hindi pa nakakakain mula umaga. Minasama ni Rudy ang kanyang mga salita, at sinampal ang kanyang pisngi. Napabagsak ang bata sa lapag. Walang tumulong sa kanya, naglakasan pa ang tawa ng mga alagad ng prinsipe. ¡°Ito ba gusto mo, ha?¡± bulong ni Rudy sa tainga ng kanyang biktima, at biglang itinapon sa kanyang mukha ang isang mangkok ng umuusok pa ngang lugaw. ¡°Umayos ka kung ayaw mong mapunta sa kulungan. Leche ka.¡± Nagulat si Kalindor nang may kamay na humilot sa kanyang balikat. Nanginginig at namumula na pala siya sa galit, pinapakalma siya ng kanyang kaibigan. Umiling nalang ang kaibigan ni Kalindor, para bang nagsasabing, huwag ka na mangialam. Pero pagod na pagod na si Kalindor. Hindi niya talaga kinakayang hayaan lang ang mga lintik na itong asal hayop. Tumayo ang anak ng kabalyero mula sa kanyang inuupuan. ¡°Rudy, tumigil ka nga!¡± Biglang sigaw ni Kalindor. Biglang nawala ang ingay. Tumigil ang lahat. Ang naiwan lang ay ang tunog ng pag-iyak ng kaklase nilang nakahilantad sa lapag at hinahaplos ang kanyang pisngi. ¡°Papansin ka talagang hayop ka, Kalindor. Bakit, naaawa ka kay Terrell? Gusto mo siyang mailigtas? Gusto mo maging bayani?¡± ngiti ng prinsipe habang napupuno ulit ang ere ng mga halikhik ng mga bata. ¡°Tantanan mo na si Terrell, hinayupak ka. Hindi ka lalabanan niyan. Bakit ba mga mahihina lang ang mga pinapatulan mo?¡± Nandilim siguro ang paningin ni Rudy, dahil hindi pa natatapos ni Kalindor ang kanyang mga salita ay nahanap na niya ang sarili niyang nasa lapag, at may sirang upuan sa kanyang tabi. Mabagal na nilapitan ng prinsipe ang kanyang karibal. ¡°Alam mong kaya kong tanggalin ang tatay mo sa trabaho, Kalindor. Magpasalamat kang hindi ko pa ¡®to ginagawa.¡± Sa takot din siguro, sinundo nalang ni Kalindor ang utos ng prinsipe. ¡°S-salamat¡­¡± bulong niya nang may tumutulong dugo mula sa kanyang bibig. ¡°Kailangan kong marinig nang maayos.¡± ¡°Salamat.¡± Sa malabong paningin ni Kalindor, nasulyapan niya ang mga ngiti ng mga alagad ni Rudy. May binulong ang prinsipe kay Arbo. Lumakad papunta sa kanya ang kaibigan ng prinsipe at binitbit ang nanghihinang Kalindor palabas ng kwarto. Bumalik ang ingay at kaguluhan sa sandaling tumapak si Arbo sa labas ng pinto. May napansin si Kalindor na dalawang kabalyero; nakatayo sa tapat ng kwarto, nagbabantay. "Huwag niyo na siyang pansinin. Tuloy lang!" sigaw ni Rudy mula sa kabilang gilid ng pader. - - - Nagising muli ang anak ng kabalyero nang may tatlong sapatos sa kanyang mukha. Palubog na ang araw. Nang maliwanagan ang kanyang mga mata, una niyang napansin si Arbo, nakatutok ang paningin sa mukha ng bata. Dumura si Arbo sa gilid ni Kalindor at iniwanan na siyang mag-isa. Diniinan ng dalawa pang kaibigan ni Rudy ang kanilang pagtapak sa mukha niya. ¡°Gising na siya, Rudy.¡± sabi ni Arbo. Lumapit ang prinsipe, binabaan ang tingin sa kanya. Sinenyasan niya ang dalawang batang nakaapak sa mukha ni Kalindor na iwanan silang dalawa. ¡°Ano nang nangyari sa¡¯yo Kalindor? Akala ko ba tapat ang pamilya mo sa aming mga maharlika?¡± dura ni Rudy. Sinikap ni Kalindor na sagutin ang kanyang tanong. ¡°Hindi ako¡­ bulag. Kung hindi kayo matino, bakit ko kayo sasambahin?¡± ¡°Wala kang karapatang magsabi ng ganyan. Kabalyero ang tatay mo. ¡®Di ka pa kuntento niyan?¡± nilapitan ni Rudy ang mukha ni Kalindor. Hindi pinakawalan ng prinsipe ang pagkatitig sa kanya. ¡°Simula nung nagkamalay ako sa mga nangyayari sa mundo, hindi mo alam kung gaano kalakas ang panghihinayang kong lumapit ako sa pamilya ninyo. Wala kayong hiya.¡± Sinipa siya ni Rudy. Bumuga si Kalindor ng dugo. ¡°Hindi kita titigilan hangga¡¯t mawala ¡®yang lason sa isipan mo. Hindi mo na ba naaalala nung pinadala kita sa ospital nung nahulog ka sa pabrika?¡± sigaw ng Prinsipe. Nanginig si Kalindor. ¡°Naalala ko, pero sa pagkakaalam ko, hindi naman ikaw ang nagtawag ng tulong, hindi ba? Hindi rin ikaw ang nagbuhat sa akin. Hindi rin ikaw ang nagmaneho ng karwaheng papunta sa gamutan. Nagsinungaling ka lang sa harap nila.¡± ¡°Ngunit ang pamilya namin ang dahilan kung bakit ka gumaling, hindi ba, Kalindor? Kami ang nagpatayo ng gusaling pinasukan mo. Kami ang naging dahilan kung bakit gumagaling ang mga tao!¡± ¡°Ang pamilya mo ba ang nagbayad sa mga doktor? Ang pamilya mo ba ang nagtahi ng mga sugat ko? At huwag na huwag mong kakalimutan, Rudy, hindi ako kusang nahulog doon. Alam nating dalawa kung ano ang totoong nangyari sa loob ng pabrika, at hinding-hindi mawawala sa isipan ko ang ipinakita mo sa akin, kataas-taasang prinsipe.¡± Nanlaki ang mata ng prinsipe. ¡°Pag gumalaw pa ¡®yang bibig mo, manghihinayang kang nabigyan pa ng pagkakataong mabuhay ang ama mo.¡± ¡°¡®Di ako katulad mong mababasag ang pagkatao sa oras na mamatay ang ama. Sa iyo lang gagana ang sarili mong banta, Rudy.¡± Tumahimik ang anak ng hari. Tinigilan niya na ang kanyang pagtitig kay Kalindor. Sinara ni Rudy ang kanyang kamao. ¡°Kailangan mo muna sigurong makatikim ng parusa, noh?¡± Nang may ngiti sa mukha, pinagsususuntok niya ang mukha ng karibal. Nagdugo ang pisngi ni Kalindor at ang buko ng kamay ni Rudy. Tumalsik ang kulay pula sa paligid. Hinawakan ng mahigpit ni Kalindor ang damo sa lapag, nananalangin nalang na hindi siya mawalan ng hininga. Kahit iisang araw pa. Pinilit niyang lumaban, ngunit hindi niya mapakawalan ang kanyang hinahawakan. Humiga nalang siya doon, walang imik sa parusa ng prinsipe. Nanlabo nang paunti-unti ang kanyang paningin, dugo¡¯y patuloy na tumutulo sa kanyang mga mata. Sa bawat suntok ni Rudy ay mas gumugulo ang kanyang pag-iisip. Nahihilo na siya. Napapagod na siya¡­ Tumigil na ba? ¡°RUDY, ANONG GINAWA MO?¡± sigaw ng isang boses na sa tingin ni Kalindor ay si Arbo. Napapikit nalang si Kalindor. Hinayaan na niya ang kanyang katawang bumagsak sa lapag. Hindi na siya makagalaw. Ayaw na niyang gumalaw. - - - Tik, tik, tik, tik, tik, tik¡­ Buong magdamag ang pagpitik-pitik ni Rudy sa bintana ng karwahe. Ang tagal magmaneho ng hardinero nila. Talagang sa hardin lang dapat magtrabaho. Pumipikit na ang kanyang mata, madilim na. Gusto na lamang niyang umuwi at magpahinga. "Manong Rene! Bilisan mo!" sigaw ng Prinsipe. Pero kay saya rin naman ng nangyari. Nakaganti na rin siya kay Kalindor. Nagkaroon na rin siya ng matinong rason na sirain ang kanyang pagmumukha. Iilang taon na. Buti ay dumating na rin itong araw na ito. Ngayon, aayusin nalang niya ang kanyang reputasyon sa eskwelahan, sa mga mamamayan, at pinaka-importante; ang imahe niya sa tapat ng hari, ang kanyang ama. Nagkamali si Rudy. Gayunpaman, makatwiran naman ang kanyang galit kay Kalindor; ininsulto niya ang pangalan ng mga Legran. Sa tingin niya nga, daragdag pa ang paghanga sa kanya ni Haring Grandor. At tsaka, kay bilis ba naman kasi lumipas ng nangyari. Biglaan nalang nagsitakbuhan ang kanyang mga kaibigan, nagsigawan. ¡®Di pa siguro sila sanay sa dugo. Tumakbo papunta sa kanila ang mga kabalyero, binuhat si Kalindor, at inutusan ang prinsipe na sumama na sa karwahe. Ngayo''y namamatay na siya sa inip. Lulubog na ata ang araw at hindi pa rin sila makakauwi. Pagtingin niya sa labas ng bintana, ang daming mga taong nakakandado ang mata sa sasakyan. Para bang gawa sa ginto ang karwahe. Kumalat na ba ang balita sa nangyari? Nang ganoon kabilis? Hindi malaman ni Rudy kung bakit ang tsimosa¡¯t tsimoso ng mga mamamayan. Nakakapagod lang na asikasuhin. Ito na rin siguro ang resulta ng pagiging makapangyarihan, iniisip niya. Kung ganoon, ikalulugod na niyang tatanggapin ang korona. Pwede naman niyang balewalain ang boses nila, lalo na¡¯t wala naman talaga silang alam sa sitwasyon. Kung mananatili nalang silang mangmang, kay sarap siguro ng buhay. Paglabas ng karwahe ng prinsipe ay sinalubong siya ng Eliante, ang palasyo ng mga Legran. Hindi nakalimutan ni Rudy na tumingin sa itaas at mabigyang-pansin ang kagandahan nito, sa mga patusok nitong mga tore, sa mga pader nitong napapaligiran ng baging at dahon; mga regalo ni Inang Kalibutan. At ang silweta nito sa tapat ng maliwanag na langit¡­ ¡­ay sinira ng mga ilaw at sigaw ng madla sa paligid. Nagsisiksikan sa tapat ng palasyo, ihinagis nila ang kanilang mga katanungan sa binatang prinsipe. ¡°Prinsipe Rudy! Totoo ba? May nahimatay daw sa akademiya matapos mo siyang suntukin!¡± ¡°Prinsipeng Legran, maawa naman kayo, naghihirap kaming mga taga-Kanluran¡­ kung mabanggit mo sana sa hari¡­¡± ¡°Prinsipe! Ano po ang iyong mga damdamin tungkol sa napakagandang Koliseo na pinagawa ng Hari?!¡± Unauthorized reproduction: this story has been taken without approval. Report sightings. ¡°Umayos kayo! Dadaan ang prinsipe! Bigyan niyo siya ng madadaanan kung ayaw niyong matusok ng sibat!¡± Nasuklam nalang si Rudy sa baho at init. Hindi na niya pinansin, aasikasuhin naman ito ng mga kabalyero. Tinakbo na niya ang papunta sa pinto ng palasyo at sinara ito ng kanilang mga guwardiya. Tahimik na rin, sa wakas. ¡°Rudy, ano nanamang ginawa mo?¡± Umalingawngaw ang malalim na boses ng kanyang tatay sa bulwagan ng palasyo. Lumunok nalang si Rudy sa tensyon. Sa kanyang harapan ay nakaupo ang Haring Grandor sa isang trono ng ginto. May nakalapag na pulang alpombra patungo sa kanyang upuan, na isang palapag na mas mataas kaysa sa sahig na tinatapakan ni Rudy. Nanliit si Rudy sa laki ng bulwagan. Kay dami nang mga taon ang lumipas, hindi pa rin nawawala ang kanyang kabalisahan sa tuwing lumalakad siya sa lapag na ito. Ngunit ang tumatak sa isip ni Rudy ay ang pagtitig sa kanya ng hari. Halatang hindi nanaman siya sang-ayon sa galaw ng kanyang anak. ¡°Ama, may kahulugan po ang lahat ng nangyari sa akademiya, kung papakinggan niyo lang sana ako.¡± Habang nakatutok ang mga mata ni Grandor sa kanyang prinsipe, siya¡¯y nagsalita. ¡°Papakinggan kita, ngunit kailangang mapatunayan mo na karapat-dapat talagang mangyari ito sa kanya.¡± Huminga nang malalim ang prinsipe. ¡°Ininsulto niya ang pangalan nating mga Legran. Tinawag niya akong hinayupak. Tinawag niya akong mahina.¡± Nanginginig ang boses ni Rudy, hindi umiimik ang hari. ¡°Pinahiya niya ako sa buong klase...¡± Uminom ang hari ng alak mula sa isang kalis na ibinigay ng isang alipin. Matapos ang iilang saglit na tahimik, may lumabas na buntong-hininga sa bibig ni Grandor. ¡°Iyan lang ba ang dahilan?¡± ¡°O-Opo.¡± bulong ni Rudy. Tumayo ang hari. ¡°Iilang beses ko nang sinasabi sa¡¯yo¡­ Hindi mo dapat pinapakialaman ang batang iyan. Gusto mong magsimula ng gulo? Ayan! Tumingin ka sa labas ng pinto ng palasyo. Isinubo mo lang sa bibig ng mga tao ang gusto nilang malasap. At hindi mo ba naisip, kung anong masasabi ng tatay niya sa oras na bumalik sila mula sa kanilang misyon, ha? Nag-iisip ka ba?!¡± Sa sobrang lakas ng sigaw ni Grandor ay tila umugoy ang palasyo. Napatingin sa lapag si Rudy. ¡°Hindi dapat tayo umakto nang ganyanan lamang, Rudy,¡± ipinatuloy ng hari. ¡°Kung gusto mong gumanti, ayusin mo ang iyong pamamaraan. Maging matalino ka! Huwag kang magpapadala sa iyong damdamin. Hindi iyan tama para sa isang hari!¡± ¡°Opo, Haring Grandor.¡± ¡°Tingnan mo ako, at sabihin mong naiintindihan mo.¡± Mabagal na gumalaw ang mga mata ni Rudy papunta sa kanyang ama. ¡°Naiintindihan ko po, Haring Grandor.¡± Sa paggalaw ng kamay ni Grandor ay nakita ni Rudy ang kanyang pagkadismaya. Lumapit ang dalawang alipin sa tabi niya. ¡°Paakyatin niyo na yan.¡± utos ng Hari. Dinabog nalang ng prinsipe ang kanyang inis sa pag-akyat ng paikot na hagdanan. - - - "Leche!" At isa nanamang upuan ang nasira sa bigat ng kamay ng Prinsipe. ¡°Mas mahalaga pa ba ¡®yung anak ng kabalyero kaysa sa sarili niyang anak?!¡± Pinaghahahampas ni Rudy ang kanyang mukha, hinihila ang kanyang buhok. Ang matinis niyang mga sigaw ang pumuno sa ere ng kwarto. ¡°Wala naman akong ginagawang kamalian! Dinuraan niya ang pangalan natin, ginawa ko lang ang karapat-dapat na mangyari! Ako pa talaga ang may kasalanan?¡± Nanginig ang batang prinsipe sa lapag ng kanyang kwarto. Nakabukas ang mga bintana. Nanlamig siya sa nagyeyelong hangin mula sa ilabas. Sa kaliwa ni Rudy ang isang mesang nagmumukhang kapani-paniwalang ginto dahil sa pagkapintura dito. Naaninag ni Rudy ang kanyang pagmumukha sa kintab nito. Kalunus-lunos. Nakakaawa lang tignan. Pati siya ay nasuklam sa sarili niyang itsura. Sa itaas ng mesa ay nakalapag ang isang baril. Para bang inaakit siya. Kunin mo na, sabi ng kanyang isipan. Gusto mo namang maging malaya na, di ba? Gusto mong maramdaman ng ama mo ang sakit na binibigay niya sa¡¯yo. ¡°Mali ka. Ginhawa sa kanya ang aking paglisan. Kung mamatay ako, walang makakatalo sa kanya sa trono.¡± Ngunit nahihirapan ka na, Rudy. Tignan mo ang sarili mo. Kadiri. Hindi ba ayaw mo sa taong ganyan? Hindi ba ayaw mo sa taong mahina, sa taong walang-alam? Hindi mo ba nakikita, na inaayawan mo dapat ang sarili mo? Tumulo ang luha ni Rudy sa lapag. Kahit pinilit niyang hindi tumayo, may nagtulak sa kanyang gumalaw papunta sa mesa. Nang ilang sandali, para bang nawala ang kanyang kalayaan. Tinitigan niya ang kanyang baril. Ano pa ang hinihintay mo, Rudy? Tapusin mo na ang lahat. ¡°Hindi ako mahina!¡± Binato ni Rudy ang baril sa labas ng bintana. Lumipad ang baril sa ere, bago ito tuluyang bumagsak sa lapag. Huminga nang malalim ang binata. ¡°Papatunayan ko sa tatay ko na hindi ako ang batang nakikita niya sa akin. Mas magaling pa ako. Mas malakas ako!¡± Binuksan ni Rudy ang pinto. At siya¡¯y huminto. Sa harap niya ay ang gintong tungkod na ginagamit ng kanyang ama. Nasa harap din niya ang damit panghari na sinusuot lamang ni Grandor. Tumingala si Rudy, at nagkita rin ang mga mata niya at ang mata ng hari. ¡°Mas malakas ka? Sa tingin mo, sa lagay mong ¡®yan, malakas ka, Rudy?¡± tanong ng kanyang tatay habang paunti-unting umaabante papasok ng kwarto. ¡°Hindi mo lang nakikita, ama. Kung bibigyan mo ako ng pagkakataon¨C¡± ¡°Kay dami-rami nang pagkakataon ang binigay ko sa¡¯yo, Rudy. Anong ginawa mo? Nagpadala ka sa nararamdaman mo. Nagpadala ka. Hindi ka malakas, Rudy. Kahit ano pang kasinungalingan ang itatak mo sa kukote mo.¡± Pinatunayan ni Rudy ang pahayag ng hari. Sinubukan niyang suntukin ang kamay ni Grandor. ¡°Ah! Mali ka!¡± Hinampas nang hinampas ni Rudy ang kanyang ama. Bumagsak ang hari sa lapag ng kwarto, ngunit hindi siya lumaban. Hinayaan niya lang ang anak niya na ilabas ang kanyang galit. Dumugo na ang kanyang ilong. Nahulog sa lapag ang kumikinang na korona ng Teccao. Natikman rin ni Grandor ang lakas ng kamao ni Rudy, ang mga kamay na sinanay ng mga kabalyerong nagturo sa prinsipe. Pero hindi umimik si Grandor. Tumawa lang siya. Napagod ang binata at dumapa sa sahig. Umiiyak, nalilito. ¡°Tapos ka na?¡± sabi ng kanyang ama. ¡°Hindi totoo ang sinasabi mo. Hindi ''yan sasabihin ni ina sa akin¡­¡± bulong ni Rudy. Sumimangot ang kanyang ama. "Patay na ang ina mo." Hinampas ni Grandor ng tungkod ang likod ni Rudy. Sumigaw ang prinsipe. Hindi tumigil si Grandor hangga¡¯t mamula ang sinusuot na damit ni Rudy, hangga¡¯t alam niyang natikman na ng binata ang kailangan niyang parusa. ¡°Sandali, ama! Tumigil ka! Ama, ang sakit!¡± alingawngaw ng matinis na boses ng binata. ¡°Hindi ka karapat-dapat na maging hari! Sabihin mo sa akin iyan!¡± ¡°H-hindi- Ama!¡± pagmamakaawa ng prinsipe. ¡°Hindi ka karapat-dapat na maging hari!¡± ¡°H-hindi ako karapat-dapat¡­ na¡­¡± Nahimatay si Rudy. Huminga nang malalim si Grandor at tinigilan na rin niya ang binata. Pinunasan niya ang dulo ng tungkod at tinawag ang mga aliping nasa pasilyo. Narinig pa ni Rudy ang malabong salita ni Grandor sa tumutunog niyang tainga. ¡°Sa ospital. Kailangan niyang matuto.¡± - - - Naghiyawan ang madla sa loob ng Koliseo. Madilim na, ngunit hindi ito pumigil sa mga taong magdagsaan papuntang pasukan at maghilahan paloob. May mga nagsuntukan at nagkaduguan dahil sa sikip ng pila at ang umiinit na ulo ng mga guwardiya. Sabay pa nito ay ang napakalamig na hangin na tinitiis na lamang ng mga tao, maranasan lamang ang makaupo sa loob ng Koliseo. Ngunit kasabay ng mga sigaw ng papuri at paghanga kay Grandor ay ang mga umaangal at nanghihingi ng reporma. Nagdagsaan sa labas ng tarangkahan ang mga umaayaw sa pamamahala ng hari, pinipilit na sumiksik sa kadami-raming tao upang maipahayag sa kanilang mga kabayan na mali ang kanilang pananaw. ¡°Hindi niyo naiintindihan! Marami sa mga bilanggong nakakulong ngayon sa ilalim ng Koliseo ay hindi pa naman napapatunayang kriminal! Ginagamit lang sila ni Grandor para sa sarili niyang pakinabang. Sa bulsa niya lang sumusulpot ang mga ibinabayad ninyo!¡± sigaw ng isang ale kasabay ng iilan pang nagpoprotesta sa tapat ng pasukan. Nakatayo siya sa isang patungan, ngunit hindi rin naman makita ang kanyang ulo sa kalagitnaan ng magulong madla. May humila sa kanya pababa. Isang mas matandang babae na kapit-bahay ata ng ale. ¡°Hoi! Anong pinagsasabi mo? ¡®Pag ikaw nahuli ka ng mga kabalyero ¡®di ka namin kikilalanin, ilalagay mo pa kami sa tukso!¡± ¡°Manang, hindi tama ang ginagawa nila. Ang kapatid ni Espejo nandoon, at anong ginawa niya? Wala! Nahulog lang sa bayong niya ¡®yung iisang mansanas na pinagiinitan nila! Ngayon itinuturing na siyang magnanakaw? Isang kriminal? Hindi ko ito maipalalagpas lamang!¡± ¡°Pucha, ayaw ko nang manggulo. Hahayaan nalang kita, mahuhuli pa ako.¡± ¡°Manang, wala ka na bang pake kay Victorio?!¡± ¡°¡®Wag mo ¡®kong sabihan nang ganyan! Ako man ang nagpalaki sa batang iyon, pero kung mapapahamak lang ako sa kalokohan nilang magkapatid, kasalanan na nila ¡®yon! Hindi sila akin!¡± Lumayo ang mas matandang babae papalayo ng Koliseo. Naiwan ang ale na pawisan at namumula. Habang hinihingal ay tinungtong niya ang patungan at muling nagsimula sa kanyang pagsigaw. Ngunit sa hindi niya inaakala, magtatapos nang maaga ang kanyang pamamahayag. Mga ilang minuto ang lumipas bago niya marinig ang unang yapak ng mga kabalyero ng Teccao, pinapaalis ang mga taong nakaharang sa daan upang maipasok ang karwahe ng hari. Malalaki ang mga taong ito, tila doble ng kanyang tangkad. At tumahimik nalang bigla ang kanyang bunganga nang matitigan siya ng isang kabalyero at matutok sa kanya ang sibat. ¡°Alis. Baba.¡± sabi ng tauhan ng hari. Nangangambang dumapa sa lapag ang ale. Hindi niya alam kung ano ang mangyayari. Napakahirap hulaan ng mga galaw ng mga kabalyero ngayon, lalo na¡¯y mas pinahigpit pa ni Grandor ang seguridad sa pagbigay niya ng buong kalayaan sa kanyang mga alagad. Walang magagawa ang ale. Wala siyang karapatang ipaglaban ang kanyang sarili. Nang hindi na niya namalayan, hinihila na pala siya ng kabalyero paalis ng tarangkahan. Walang iisang ulo ang lumingon para mapansin ang katawang ginigiling sa lapag. Nakapasok ang hari sa loob ng Koliseo nang may malakas na palakpakan at sigawan mula sa madla. Walang nagtanong kay Grandor kung anong ginawa ng prinsipe sa anak ng komandante ng Teccao. Walang nakapansin sa mga kabalyerong inutusan ng hari na palabasin ang mga tumutuligsa sa kanya. Walang nakaalala sa babaeng sumisigaw kanina sa tapat ng Koliseo. At kung natandaan man nila, bakit sila mangingialam? - - - ¡°Mabuhay sa lahat ng Teccian!¡± mas lumakas pa ang hiyawan ng mga tao nang marinig nila ang boses ng kanilang minamahal na hari. May mga ikinabit na makina sa gilid ng Koliseo na yaring metal at kahoy upang umabot ang mga salita ni Grandor hanggang sa dulo ng gusali. Akalain ng mga tao na regalo ito ni Inang Kalibutan na ibinahagi ng mga Bagong Mezular para sa kanilang kaharian. Pulang-pula ang ulo ni Manong Macawili, ang matandang binayaran ni Grandor para magamit ang kanyang naimbento. ¡°Araw-araw papagurin mo ang sarili mo, duguan na mata¡¯t paa mo, tapos sasabihin nila galing ito kay Inang Kalibutan? Aba! Edi sana sumali nalang ako sa labanan, mas maigi pa atang maging kriminal!¡± sigaw ng matanda sa kanyang pagkarinig sa kuwentuhan ng mga bata tungkol sa makinang ito. Nagpatuloy si Grandor sa kanyang talumpati. ¡°Ngayo¡¯y masasaksihan ninyo ang unang araw ng mga labanan sa loob ng ating Koliseo! Magpasalamat tayo kay Inang Kalibutan, na biniyayaan tayo ng ganitong oportunidad upang magsaya at ngumiti! Bigyan rin natin ng liwanag ang mga sakripisyo ng ating Bagong Mezular, na silang patuloy na nagsusumikap sa pag-aayos ng ating relihiyong Menzul, at mas pinapalapit ang ating mga puso kay Inang Kalibutan.¡± Mula sa likod ni Grandor ay tumayo ang iilang matatanda, apat na lalaki, isang babae. Ang isa dito ay kalbo na, halos buto¡¯t balat nalang ang katawan, ngunit napapalibutan ang kanyang leeg at braso ng mga gintong kuwintas at pulseras. Isa nama¡¯y malinis tingnan at maayos ang itsura. Sa kanyang kaliwa ay isang matandang mahaba ang buhok, at may mga nakasabit sa kanyang mga dahon at bato upang maipakita sa tao na may paraan siya upang mapalapit sa kanilang diyosa. Ang nakaupong pinakamalapit kay Grandor ay ang Inang Esperanza, ang nagpalaki sa hari at sa kanyang tatay, ngunit hindi siya nakangiti o nakasimangot. Nakatitig lang ang kanyang mata sa kawalan. May isa naman, ang pinakamaliit at pinakabata sa kanilang lahat, isang lalaki. Maitim ang kanyang balat, malaki ang tiyan, at madungis kung kumain. Nang siya¡¯y tumayo, nahulog ang mga mumo ng tinapay na nakakalat sa kanyang dibdib. Ito¡¯y si Amang Arturo, ang lider ng mga Bagong Menzul na inatasang mamuno sa nayon ng Vigor; ang paboritong nayon ni Grandor. Malamang, si Arturo rin ang paborito ng hari. ¡°Lalo na sa nayon ng Vigor, sa pagpapatuloy ninyong suporta sa pamilya naming mga Legran, at ang walang-tigil ninyong pagmamahal sa ating kahariang Teccao! Mabuhay!¡± Nagsigawan ang madla, lalo na ang mga taong nakaupo sa bandang kanan na may hawak na mga bandila ng Vigor at ang watawat ng Teccao. Umusbong ang kulay pula sa bawat gilid ng Koliseo. Lumaki ang ngiti ni Grandor. Matapos ng kanyang talumpati (karamihan lang ng kanyang sinabi ay mga papuri sa mga nayong tapat sa kanya), lumabas na ang parada mula sa ilalim ng palapag na tinatapakan ni Grandor. Nagpakita ang mga nagsasayawan, mga lalaking malalaki ang katawan at nakasuot lamang ng korto, mga babaeng may suot na sumbrerong dinisenyo gamit ang mga tuyong dahon at ang kintab ng ginto. Tila nakasalpak na lamang sa mukha nila ang kanilang ngiti. Makapal ang kolorete na ipinahid sa kanilang mga mukha at katawan upang magmukha silang kaakit-akit sa mga lalaking manunuod sa Koliseo. Pumasok din ang mga kalabaw na may hinihilang karwahe na may patungan sa itaas. Kasabay nila ang mga nakamaskarang taong nilalatigo ang kanilang puwit para mapilitan silang maglakad. Sa itaas ng mga karwahe, mayroong mga lalaking nagbubuga ng apoy, sumasayaw hangga¡¯t pawisan, at mayroon pa ngang isang nakabitin sa isang malaking kamay na yari sa bakal at pininturahang itim. Gumagalaw ito na para bang pinaglalaruan ang taong nakasabit sa mga daliri. Pinanood ni Grandor ang lahat, pinakinggan ang tawa ng madla, ang usapan ng mga Bagong Mezular, ang hiyaw ng hangin, ang kulob ng langit, at ang katahimikan ni Esperanza. At siya¡¯y natuwa. Ito ang Teccao na ginusto niyang makita. Ito ang Teccao na kay tagal na niyang pinapangarap. Ang mahalin siya ng tao, ang paniwalaan siya ng mga Bagong Mezular, at ang maramdaman niya ang kay laki-laking kapangyarihan na itinago sa kanya ng kanyang tatay. Sa araw na ito, nagtagumpay na siya. Sa araw na ito, at sa mga sumusunod pang paglabas ng araw mula sa kabilang parte ng Tierra, unti-unting kikilabutin ang Teccao ng kanyang pagmamahal, pagkabukas-palad, at ang kamay ng kanyang buong kapangyarihan. Mula ngayon, kanya na ang Teccao. Ngunit ito rin ang simula ng kanyang pagkabigo. ¡°Haring Grandor! Pasensya na, kailangan kitang makausap¡­¡± Biglang sumulpot ang isang kabalyerong hinihingal, basa ang damit, kulang sa pahinga, sa gilid ng palapag. Tinanggal niya ang kanyang kupya at pinakita ang kanyang mukha sa hari. Nagulat ang mga Bagong Mezular, at napatingin din sa Inang Esperanza. Nilapitan ni Grandor ang kabalyero upang marinig siya sa kalagitnaan ng gulo at ingay ng Koliseo. At napansin ni Grandor ang kanyang mukha. Siya si Kannon, ang tatay ni Kalindor, ang komandante ng armadang pinadala niya sa Midnia. ¡°Haring Grandor, may sumabay sa amin sa aming ruta pabalik. Kinailangan naming ihinto ang pag-atake. Ngunit hindi namin malaman kung sino o ano ito, nasa ilalim siya ng tubig!¡± Nanlaki ang mata ni Grandor. ¡°Anong ibig sabihin nito, Kannon?¡± ¡°Hari, maaaring nasa panganib ang ating kaharian.¡± bulong ni Kannon. Ang Nawawalang Nayon ng Cura Humihilom pa ang mga sugat na binigay ng Teccao sa Midnia. Palala nang palala pa rin ang sitwasyon ng mga natamaan ng kidlat ng pandemya. Nagsusumikap ang mga tao na makalabas sa nahulugan nilang butas, ngunit para bang sa bawat padyak nila ay biglaan nalang muling mahuhulog sa pinanggalingan. Akalain mo''y ligtas ka na mula sa sakuna, ngunit lilipas lang ang iilang saglit ng kapayapaan, at mahahanap nanaman nila ang sarili nilang nasa kalagitnaan ng giyera. Kahit ngayon ay naguguluhan pa ang mga Midnian, lalo na ang kanilang mga sundalo. Para bang masyadong mabilis na natapos ang labanan; sumuko agad ang mga Teccian at umabante mula sa kanilang posisyon. Aakalain mong nakakita ng lumilipad na ipis. Nagpasalamat nalang sila na ganito ang nangyari, lalo na¡¯t marami sa mga sundalo sa digmaan ang ¡®di inaasahang biglang aatakihin ng sakit. Nang makita ni Reyna Lumina ang malamig na katawan ni Idrola sa kanyang higaan, wala na siyang nagawa kundi sumigaw. Sa pananaw ng mga naghihirap na mga mamamayan ng Midnia, sa kaliwanagan ng umaga, bigla nalang silang nakarinig ng pagtili ng isang matandang babae sa taas ng Encela, ang palasyo ng mga Dysplis. Sa pagod at lungkot ng mga tao, nagmukha nalang itong karaniwan sa kanila. Hindi na nila inabala pa ang mga maharlika, kailangan muna nilang asikasuhin ang sarili nilang pamilya. Dahil dito, naging munting lihim na muna ang paglisan ni Idrola, at ang pag-alis ng bagong haring si Tydel. At ang binata, na ngayo''y unti-unti nang nagkakaroon ng pagkabalisa, kahit na malakas pa ang engkantong ibinibigay sa kanya ng kuwintas, ay nakakulong pa rin sa submarino. Nababaliw na siya sa kawalan ng katiyakan. Talaga bang babagsak pa siya sa latian ng Cura? O dito na sa karagatan mamumuo ang kanyang kalansay? Nilabanan niya ang kanyang utak. Malaking tulong ang kuwintas. Kumapit pa siya. Hindi niya pwedeng mabigo ang kanyang misyon. Hindi maaari. Mga iilang araw na siyang nasa ilalim ng karagatan. Hindi na niya alam kung nasaan na sa langit ang araw. Paubos na rin ang pagkain, ngunit salamat sa kuwintas ay hindi siya ganoon kadalas magutom. Paminsan-minsa''y gagalaw ang submarino na para bang lumindol. Sa tingin ni Tydel ay iniistorbo niya ang mga nilalang sa ilalim ng tubig. Baka hindi na niya mamalayan, nasa loob na pala siya ng bituka ng isang balyena. Tumingin siya sa labas ng bintana. Maaaninag pa rin naman ang mga ilaw ng araw. Iniisip ni Tydel kung ano ang kanyang gagawin pagbagsak ng Cura. Ano ang aking sasabihin sa kanila? Maniniwala ba sila na taga-Midnia ako? At ang pinaka-importante, paano ko maililihim sa mga Teccian na namumuhay pa ang nayon ng Cura? Hindi nila dapat malaman. Ang mga Curan lang ang natatanging pag-asa ko, hindi ko ito palalampasin. At ang aking ama¡­ ano na ang mangyayari sa bayan ko? Sino na kaya ang mamumuno sa kanila¡­ Kumikirot pa rin ang puso ni Tydel tuwing naaalala ang kanyang ama. Malas na ang bilis dumating ng kanyang paglisan¡­ Hanggang ngayon ay nalilito pa rin ang isipan ni Tydel sa kung tama ba ang kanyang desisyon na bagsakin ang pagkakataong maging hari. Alam niyang mas mahalaga ang misyon niya ngayon, ngunit kung iiwanan lang niya ang Midnia nang ganoon, na walang kinabukasan na haharapin¡­ Mahal niya ang Midnia, ayaw niyang masaktan pa ito. Kailangan niyang tapusin ang kanyang misyon. Tinutok nalang niya ang isipan niya sa mga salita ni Amang Abracosa. Wala nang maiiba. Kailangan nalang nating umusad. Ngunit nasa tuktok ng kanyang isipan ay ang kanyang minamahal. Kay lungkot lang na isiping kung siya''y ibang tao, kung hindi siya si Tydel, kung hindi siya ang prinsipe ng Midnia, baka ngayon, kahit na watak-watak ang mga gusali galing sa apoy ng Teccao, mahahawakan pa rin niya ang kamay ni Jessenia. Baka sa sandaling ito, nararamdaman niya kung gaano katamis ang halik niya. Sa dami-rami ng mga panghihinayang ni Tydel, ang pag-iwan kay Jessenia ang pinakamasakit sa lahat. Tinitigan ni Tydel ang bubong ng submarino. Bawat araw, parang unti-unting nagiging berde at asul ang paligid. Kahit sa kanyang paningin. Dumidilim rin. Ang tagal na noong huli siyang nakakita ng liwanag¡­ Ang hirap lang isipin na ang liwanag na iyon ay ang mga pagsabog ng bomba ng Teccao. Huminga siya nang malalim. Kaya pa, sabi niya. Tumulala nalang siya sa bintana. Mas maigi pa kaysa sa tumunganga sa kadiliman ng loob ng submarino. Kinuha niya ang tubigan at uminom. Sa simpleng paglunok niya ng tubig ay may namuo sa kanyang katiting ng pag-asa. Kaya pa, ngiti niya. Sa labas ng bintana ay nakikita niya kung paano namumuhay ang mga nilalang sa karagatan. Madalas niyang sinasamahan dati si Amang Abracosa sa pangingisda, at marunong siyang lumangoy, dahil tinuruan siya ng kanyang tatay noong siya¡¯y malakas pa. Ngunit hindi niya naranasan na lumubog sa ilalim ng dagat. Ngayong nakikita na niya, napagtanto niya kung gaano karaming kagandahan ang hindi pa niya nasasaksihan sa buong buhay niya. Nakita niya ang iba¡¯t ibang mahihiwagang mga anyo ng mga bato na pinaninirahan ng makukulay na isda. Sa bawat gilid ng submarino ay may mga sumusunod sa kanya, madalas ay ang mga maliliit na isda na sama-sama kung maglibot sa kailaliman ng karagatan. Minsan nama¡¯y masasaksihan niya ang pagkain ng malalaking isda sa kanilang biktima. Nakakapanibago, ngunit kay ganda tingnan. Iniisip niya kung ilang taon ang lumipas bago mabuo ni Inang Kalibutan ang mahiwagang Tierra. Sa abot-tanaw ay medyo nawawala na ang mga isda. Mas nagiging berde na rin ang tubig. Tiningnan nang mabuti ni Tydel ang nasa kabilang dulo ng bintana. Tumayo si Tydel. Sa kanyang harapan ay isang malaking bato. Nataranta ang binata at tumakbo papunta sa harap ng submarino at hinawakan ang manibela. Bigla siyang nahirapang huminga. Huwag ngayon¡­ Pakiusap, ¡®wag ngayon! Mabilis na umandar ang submarino diretso sa bato. Kailangang umakto nang mabilis ni Tydel. Pinilit niyang iliko ang submarino pakanan. Liko! LUMIKO KA! Unti-unting kumanan ang submarino, ngunit nahirapan ito. Sa bilis ng andar, halos wala nang oras para maiba ang landas. Binalibag ni Tydel ang kanyang katawan sa kanang pader ng submarino. Inaasahan nalang niya na gumalaw nang kahit kakaunti. Hindi maaaring masira ang sasakyang ito. Ito lang ang paraan niya upang makauwi nang ligtas¡­ Mabagal na lumiko ang submarino. Lumagpas ang malaking bato sa kanyang kaliwa. Tagumpay. Inatras ni Tydel ang manibela upang pabagalin nang onti ang takbo ng makina. Pinakalma ni Tydel ang kanyang sarili. Ngumiti siya. Tumawa. Bumagsak sa lapag. Hindi lang ito ang madadaanan niyang problema pagdating sa Teccao. Ito palang ang paanan sa isang bundok ng kahirapan. Simula palang. Ngunit natuwa si Tydel, dahil hangga¡¯t kaya niyang malampasan ang mga suliraning ihahatid sa kanya, hindi pa tapos ang kanyang misyon. Nakangiting tumingin si Tydel sa bintana. Nang hindi niya akalain, mayroon nanamang suliraning kailangang malampasan. Ngunit ngayon, mas malaki ang bato at mas madilim na ang katubigan. Hindi na siya makakaliko. Pinikit nalang niya ang kanyang mga mata. Hihintayin nalang ang katapusan. - - - At sa gilid ng mga sigawan at sakitan ng mga sundalo ng Midnia at kabalyero ng Teccao, mapayapang nanonood ang nayon ng Cura. Iisa lang naman si Urien sa mga mamamayang namumuhay sa nayong ito. Iisa lang din siya sa mga Curan na may ayaw sa kanilang katahimikan sa digmaan. Kung mas matanda sana si Urien, kung nasa edad na siya na may kakayahang gumawa ng malaking pagbabago, gagawin niya ito sa abot ng kanyang makakaya. Kung ilalarawan si Urien, tahimik lang siya, wala ring masyadong kaibigan kundi ang kanyang mga nakikilala sa paaralan. Nagagawa niya ang kanyang mga tungkulin sa paaralan nang maayos. Masipag siya at responsable, lalo na¡¯y inaalagaan niya ang kanyang inang si Rashana na ngayo¡¯y matanda na at hindi na makatayo o makapagsalita nang maayos. Ngunit sa sandaling magalit si Urien ay ihanda mo na ang mga panalangin mo kay Inang Kalibutan. Maihahalintulad siya kay Prinsipe Rudy na mainitin ang ulo, ngunit mas kalkulado ang kanyang mga galawan. Kahit ang mga nanunukso sa kanya noong kabataan nila, natatakot na sa kanya ngayon. Pero hindi ibig-sabihin na tumigil na sila. Nagtatrabaho ngayon ang dalaga sa taberna malapit sa bahay ng kapitan ng Cura (na isang totoong Mezular, ang natatanging Lumang Mezular na namumuno sa isang nayon). Pinipilit niyang ipagsabay ang gawain niya dito at ang kaniyang pag-aaral. Madalas ay naglilinis lang siya ng mga pinggan, nagpupunas ng mga mesa, naghahatid ng mga pagkain. Ngunit sa araw na ito, nagkataon na nagsama ang mga Mezular, ang kapitan, at ang iilang mga pamilya. Malaking pagdiriwang ito, hindi karaniwan sa araw-araw na ganito karami ang paglilingkuran ni Urien. Sa pagkakarinig niya, pipili daw muli ng panibagong kapitan ang mga mamamayan. Alam naman niya na mananalo ulit si Amang Verano, taos-puso kasi ang kanyang paglilingkod para sa bayan. Ngunit mukhang nagdadalawang-isip ang dalaga dahil sa kalaban niyang kandidato. "Urien! Isa namang baso ng gulaman dyan! Pero, unahin mo na muna ¡®yung sabaw ni Ginoong Monteverde, alam mo namang ayaw niyang maghintay nang matagal. Saka na ¡®yung utos ni Amang Verano sa¡¯yo, salamat, salamat¨C" utos ng isang Mezular na nanirahan na sa Cura kasama ang karamihan sa kanyang mga kalahi. "Opo, Inang Silaya." ang lumabas sa pagod na labi ni Urien habang pinupunasan niya ang mga nagamit nang upuan. Gabi-gabi ay ito ang inaatupag ng dalaga. Ngayon lang talaga''y lumaki ang kanyang responsibilidad at talagang nahirapan ang kanyang katawan. Kinaya naman, ngunit gusto na niyang umupo, kahit saglit man lamang. Pero hindi siya makahanap ng oras dahil sa rami ng mga kumakain at nagpipistahan. At tsaka, kailangan niyang makapag-ipon ng sigla para sa kaniyang gagawin sa harap ng madla mamaya. May isa pang talento si Urien na ibinabahagi lang niya kung napilitan. Marunong siyang maglaro ng kulitong. Isa itong instrumentong gawa sa kahoy ng mga puno sa latian. Nakakorte itong tubo, at sa bawat gilid nito ay nakatali ang mga kuwerdas na hinahampas ni Urien gamit ang isang patpat upang makagawa ng tunog. Mas gusto ni Urien na magamit ito nang siya lang mag-isa, upang marinig niya ang mahiwaga nitong tunog at makaramdam naman siya ng kakaunting kapayapaan¡­ Na maramdaman niyang hindi lahat sa mundo ay kumokontra sa kanya. Ngunit sa gabing ito, naisip ni Urien na magamit ang kanyang kakayahan upang maibahagi ang kanyang mensahe. "Urien! Napapagod ka na ata?" napansin ni Amang Patricio. "Opo, Ama," buntong-hininga ni Urien habang sinasalin sa isang baso ang gulaman na kanyang ginawa noong umaga. "O, ito, para sa''yo." Ginalaw ni Patricio ang kanyang mga kamay at sa isang iglap ay muling nagkaroon ng lakas at buhay si Urien. Napangiti ulit siya at ginanahang magbigay ng kaniyang serbisyo. "Salamat po, Ama!" At mabilis niyang inihatid ang pagkain sa mga naghihintay. Naging bahay na ng mga Lumang Mezular ang maliit na nayon ng Cura. Dito nila naramdaman ang kaligtasan na kinakailangan nila mula sa mga kamay ni Grandor. Hanggang ngayon, hindi pa rin alam ni Grandor na umiiral pa rin ang nayon na ito. At gusto ng mga Curan na manatiling ganito. Dito nila ibinuhos ang kanilang kapangyarihan at pagmamahal. Sa tingin nila, sila ang karapat-dapat na tumanggap nito. Tila ang mga Curan nalang rin kasi ang sumasang-ayon pa sa kanilang mga turo at gawain. Ngunit kailangan nilang maging ligtas. Hindi nila maaaring magamit ang kanilang kapangyarihan sa isang engkantong maibubunyag ang Cura sa mga mata ni Grandor. Sa abot ng kanilang makakaya, kailangan nilang itago sa ilalim ng dila ang pangalan ng kanilang bayan. Ito ang labis na kinaaayawan ni Urien. Mahal niya ang mga Lumang Mezular, at mahal din siya ng mga ito, ngunit nakakasuklam na wala silang nasasabi sa estado ng digmaan sa pagitan ng Midnia at Teccao. Alam na alam ni Urien ang epekto ng Araw ng Pagbabago. Araw-araw ba naman niyang nakikita ito sa mga mata ng kanyang ina. Hindi man niya ito naranasan, hindi man talaga niya naramdaman ang pananakit ng mga Teccian sa mga kaaway ni Grandor, alam niya na sila ang may kasalanan kung bakit nahihirapan nang magsalita si Rashana. Kung kaya para bang nawala ang mahika ni Amang Patricio nang marinig ni Urien ang pinakamalapit na usapan. ¡°Papa, natatakot ako¡­" sabi ng isang maliit na batang babae sa kaniyang tatay. "O, bakit naman, anak?" tanong ng kaniyang ama. "Naaawa po ako sa mga tao sa Teccao¡­. Diba po, pag masama ka, pipilitin ka daw po niyang kalabanin ang mga kaibigan mo sa kulungan?" "Nako, iwanan na natin sila diyan. Ayaw ko makisali sa gulo. Iilang taon na tayong mapayapa rito, o? Sapat na sa akin ito! Sapat na dapat sa atin ito, anak." sagot ng tatay. "Tama ka. At tsaka, wala na tayong magagawa pa. Maliit lang tayo na nayon, hindi natin madedepensahan ang mga baril at makina nila. Huwag kang mag-alala, neng, mahal tayo ni Inang Kalibutan¡­" sagot ng isang Mezular. "Maigi pang tahimik lang tayo rito. Urien! Paki-abot naman ng baso diyan. Salamat!" Ngunit hindi pinansin ni Urien ang tatay, kahit na iisang mesa lang ang pagitan nilang dalawa. "Urien? Narinig mo ba ako?" Tumalikod si Urien at tumingin sa kanila. Itinaas niya ang isang kilay at sinabing, "Akala ko ba''y gusto ninyong manahimik?" Hindi nakapagsalita ang mga nakaupo sa mesa. Natulala nalang sila sa dalaga nang inilapag nito ang hiningi nilang baso. Hindi napakawalan ng anak nila ang pagtingin niya kay Urien. May nagsalita mula sa entablado malapit sa kusina ng taberna. "Magandang gabi po sa inyong lahat! Ako po si Inang Silaya, kilala niyo naman na ako." Nagtawanan ang madla. Iniwanan ni Urien ang mga tao sa mesa at umalis papunta sa kusina. Nagtago. Mula sa kabilang gilid ng manipis na pader ay pinakinggan nalang ng dalaga ang mga salita ni Inang Silaya sa mga bisita. ¡°Nagkaroon po tayo ng pagtitipon sapagkat ngayong gabi, pipili tayo ng panibago nating Kapitan! Ang siyang maglilingkod para sa ating bayan at poprotektahan tayo sa kahit ano mang sakuna o problema, kahit saan man, kailanman...¡± If you spot this narrative on Amazon, know that it has been stolen. Report the violation. Lumakas ang ingay sa ere matapos ng talumpati ni Inang Silaya. Nagkaroon ng talakayan ang mga tao sa loob ng taberna kung sino ba ang iboboto nila. Walang nag-away. Nag-usap lang. Nasa kultura na nila ito. Hangga¡¯t makakaya, hindi dapat natin pinapahamak ang ating mga kababayan. "Dalawa ang ating pagpipilian! Hayaan niyo akong ipakilala sila. Una, ang ating dating kapitan, ang inyong Amang Verano!" Tumayo si Amang Verano mula sa kanyang upuan. Malaki ang ngiti. May laki pa rin ang katawan kahit matanda na. "At pangalawa, ang lider ng ating mga sundalo, si Ginoong Monteverde!" Mula sa kabilang dulo ng mesa na ginagamit ng dating kapitan ay nakaupo si Ginoong Monteverde, at sa pagkarinig ng kanyang pangalan ay itinaas lamang ang kanyang kamay at tiningnan ang madla. Hindi na muna nakinig si Urien sa mga susunod nilang pinagsasabi. Kailangan niyang ayusin ang sarili niya. ''Kung gusto kong ipa-abot ang mensahe ko, hindi dapat ganito,'' naisip niya. ''Kailangan kong kumalma. Tao lang din sila, gusto nila ng kaligtasan. Pero kailangan ay may magawa tayo, lalo na''t palala nang palala si Grandor. Iyon nalang ang iisipin ko. ''Umayos ka, Urien.'' itinatak niya sa kanyang isip. Huminga siya nang malalim. Paulit-ulit. Hangga¡¯t wala nang bigat sa kaniyang isipan. Nangibabaw ang boses ni Inang Silaya matapos ng talumpati ni Amang Verano. "Ipapakilala ko naman sa inyo ang ating pangalawang kandidato, si Ginoong Monteverde!" At hindi na napigilan ni Urien na makinig. Sa entablado ay tumayo ang Ginoo, matangkad, malaki ang katawan, may kakayahan talagang lumaban. Hindi biro ang mga kuwentong naririnig ni Urien tungkol sa kaniya. Pinanganak talaga siya upang mamuno at lumaban. Minsan, nakakalimutan ni Urien na purong Curan siya. "Mga kababayan ko, alam niyo naman ang ating sitwasyon, hindi ba?" Malakas ang tunog ng kaniyang boses. Malalim. Maeengganyo kang makinig. ¡°Ngayon ay mas lalo pang pinapahirapan nila Grandor ang mga Teccian. Siguro naman ay nakarating sa inyo ang balita patungkol sa Koliseo na ipinagawa niya. Nakakasuka!¡± Sa kaniyang mga salita ay mas tumahimik ang kuwarto. Tila kahit ang paghinga ng mga tao ay naririnig ni Urien mula sa kusina. ¡°Alam ko naman na tayong mga Curan ay nasanay na sa pagtatago lamang. Alam kong wala sa dugo natin ang lumaban. Ngunit sa sandaling makita tayo ni Grandor, wala na tayong pagkakataon na sumigaw man lang. Kapag nakita niya na namumuhay pa tayo, hindi na natin maipaglalaban ang Cura!¡± Para bang sinesermonan ni Ginoong Monteverde ang mga tao sa taberna. At lahat naman ay nakikinig. Si Amang Verano, sa gilid, ay humihinga nang malalim. Sa utak ni Urien, hinahanap niya ang tamang sagot; sino nga ba dapat ang mamuno? Sa ngayon, mas kinikilingan niya ang panig ni Monteverde. Kailangan nilang lumaban. Napapagod na siyang magtago. Ngunit sa mga taon na namuno si Amang Verano, mas naging masagana ang buhay sa Cura! Nabigyan kami ng pagkakataong mag-aral nang mabuti, natutunan ng mga tao kung paano makitungo nang maayos sa kanilang kapwa¡­ Gayunpaman, hindi ganito ang kailangan natin ngayon. Sa bawat segundong nagsasalita si Monteverde ay mas lalo lang umiinit ang ulo ni Urien kay Grandor. Gusto na niyang tumigil ang lahat ng kaniyang pang-aalipusta sa mga mamamayan. Sa pagtatapos ng araw, kababayan pa rin nila ang mga Teccian. At hindi mawawala ang katotohanan na masamang tao ang kanilang pinuno. ¡°Kailangan nating lumaban, hindi bukas, hindi bukas makalawa, kundi ngayon! Kung ako ang maging pinuno, aaralin natin kung paano makipaglaban, kung paano tayo sasabak sa giyera, sa panahong mahanap tayo ni Grandor. Hindi tayo mabibigo! Iyan ang pangako ko.¡± Kakaunti lang ang pumalakpak. Mabagal na lumakad si Monteverde sa kaniyang upuan. Sa reaksyon palang ng mga tao, alam na ni Urien na wala nang pag-asa na manalo pa siya. Tumayo si Amang Verano. Tumigil ang madla. "Sa oras po na ito ay sana''y mabigyan niyo ako ng pagkakataong magsabi ng aking pananaw. Ginoong Monteverde?" sabi ni Amang Verano. Tumango si Monteverde mula sa kaniyang upuan. Itinuloy ni Verano ang kaniyang talumpati. "Mga kababayan ko! Mga Curan! Alam kong nasa tabi tayo ng lagim, ng malaking sakuna. Tama lang na matakot dahil sa lagay ng ating nayon. Ngunit, at siguro''y alam niyo na ito, hindi ako sang-ayon sa plano ni Ginoong Monteverde." Tumingin si Verano kay Monteverde, nanghihingi ng patawad. "Natatakot kayo dahil sa hari ng Teccao. Palalim na nang palalim ang kaniyang hawak sa mga Kanluran, at tayong mga Curan ay maaaring nasa panganib na rin. Ngunit sa ngayon, hindi muna dapat ito ang kinakailangan nating paglaanan ng oras." Lumaki ang mga mata ni Urien. "Hindi ko papayagan na maghirap ang tao para mapabagsak si Grandor. Ang pinakamabisang anyo ng panghihiganti na ating magagawa ay ang pagpapabuti ng ating kultura at pagsasama. Dahil sa Cura, tayo ay ligtas! Sa Cura, lahat tayo ay maaaring mamuhay nang mapayapa at malaya!" Ngumiti ang lahat. Ito ang gusto nilang marinig. Ayaw nilang makita ang katotohanan, dahil hindi sila makakatulog nang maayos tuwing gabi kung maisaulo man nila. Gusto nila ang imahinasyon na hanggang sa pagtatapos ng kanilang buhay, hindi nila makikita ang pagmumukha ni Grandor. Namula ang mata ni Urien. May galit na namumuo sa kaniyang dugo, kumukulo, naghihintay na lumabas sa bawat segundong nagsasalita si Verano. ¡°Hindi na natin kailangang lumaban pa! Ang pag-ibig ni Inang Kalibutan ang ating proteksyon!¡± Mga mangmang, bulong ng dalaga. Mga mahina. Hindi dapat tayo ganito. Hindi puwede. Tuluyan nang nawala ang engkanto ni Amang Patricio sa kaniya. Nakasimangot na umalis si Urien mula sa kusina, at ihinanda na niya ang kanyang kulitong. Sa kaniyang pagtapak sa entablado ay nalito ang mga nanonood, ngunit sila¡¯y nagpalakpakan. Napahinto sa kaniyang talumpati si Amang Verano, at napilitan siyang umatras at umupo. Kinuha ni Urien ang isa sa mga upuan at doon niya hinarap ang mga mamamayan ng Cura. ¡°Anak! Iyong hintayin ang pagkakataon mo-¡± ngunit hindi na nakapagsalita si Inang Silaya nang makita niya ang namumula na mga mata ni Urien. Lumaki ang tensyon sa ere. May mali, tingin ng madla. Kinalabit ng dalaga ang mga kuwerdas ng kulitong. Tumahimik ang lahat. Nagsimula si Urien na kumanta. Mabagal ang simula, parang hinehele ka ng iyong nanay. Ngunit may takot kang mararamdaman sa mga salita. Hayaan niyo akong magsalita¡­ Paano ko magagamit ang aking utak? Pinipigilan mo ang aking luha¡­ Karunungan ko ba''y balewala? Huminto nang saglit si Urien. Sinulyapan niya ang mga tao. Wala silang magawa kundi manood, ngunit alam ni Urien na natatakot sila. Tama lang. Dapat nilang malaman. Hayaan mo akong tingnan ang tama. Wala na ba akong nadadarama? Bumilis ang tiyempo ng kanta, lumakas din ang boses ni Urien. Binuhos niya ang lahat ng kaniyang sama ng loob sa bawat pitik niya sa mga kuwerdas ng kulitong. Balewala lamang ¡®to sa inyo! Kasalanan na pala ang totoo¡­ Sarado lamang ang inyong pinto! Kasalanan na pala ang tumayo, Para sa bayan ko. Mayroong mga nakakuha ng gustong ipahiwatig ni Urien. Tumayo, lumabas ng taberna. May mga sumigaw. "Hoy! Anong nangyayari rito? Anong pinagsasasabi mo?" sigaw ng isang matandang babae sa likod. Marahas na bumubulong si Inang Silaya sa gilid niya. "Urien! Hindi nila ''to nagugustugan! Itigil mo ''yan, o tatawagin ko si Rashana!" Walang imik si Urien. Hayaan niyo ako na magkamata. Hindi ako bulag sa kasinungalingan nila. "URIEN! Tumigil ka, ngayon na." bulong ni Inang Silaya. Mukhang isa lamang ang nakakaunawa sa kanta ni Urien. Nakatutok ang mata at tainga ni Ginoong Monteverde sa kaniya. "Urien, hindi mo ata naiintindihan¨C" sabi ni Amang Verano, ngunit tinitigan siya ni Urien. Ramdam niya ang galit ng dalaga. Nasaksak siya ng totoong damdamin ng bata. Nang iilang segundo roon, naunawaan niya ang kung ano man ang nasa mata ni Urien. Kailan kaya ninyo makikita? Dinidiliman pa nila ang tinta. At sa sandaling iyon, hindi na nakayanan ng kuwarto ang bigat ng hangin. Nagpatawag na si Inang Silaya ng mga guwardiya upang mapalabas si Urien. Marami na rin ang lumayo mula sa entablado at nagpalit ng upuan. Ngumiti si Urien. Gumagana ang kaniyang plano. Habang siya ay kumakanta, kinuha ng mga guwardiya ang kaniyang kulitong at inilapag sa isang mesa. Tiningnan ni Urien ang mga tao. Lahat sila¡¯y pinagmamasdan siya na para bang may malaki siyang kasalanang ginawa. Hinawakan nila ang kaniyang mga balikat at hinila siya palabas ng taberna. Sa kaniyang pag-alis, hindi tumigil sa pagkanta si Urien. Hayaan niyo¡­ Hayaan niyo ako¡­ Hayaan niyo akong magsalita¡­ Hayaan niyo¡­ Hayaan niyo ako! Hayaan niyong ipaglaban kayo¡­ Ngunit huli na ang lahat. Unti-unti nang nawawala mula sa mga gilid ng silid ang kaniyang boses. Ang natira nalang ay ang pag-asa ni Urien na sana, kahit may isa man lang na taong narinig at tinanggap ang katotohanan. Ihinagis sa kaniya ang kulitong mula sa kabilang dulo ng pintuan. Naisara na ang pinto ng taberna at naiwanan na si Urien sa labas. Ngumingiti, tumayo siya at hinawakan nang mahigpit ang pag-asang natira sa kaniya. - - - Kay sarap ng damuhan sa latian. Oo, malamok, madilim, mapanganib. Ngunit dito lamang nailalabas ni Urien ang kaniyang sama ng loob. Dito lang siya nakararamdam ng totoong kaligtasan. Sa kaniyang paligid ay ang mga nagtataasang puno na tila hindi nauubos kahit na gaano karami ang kanilang ibagsak. Ang ilog na mahinahong dumadaloy mula sa mga burol sa kanan papunta sa karagatan sa kaliwa. Ang mga palakang pumaparito''t roon, kumukuha ng pagkain. Dito nabuo ni Urien ang mga una niyang alaala. Kagaya na ng kaniyang unang kulitong. Naaalala pa niya noong naupo sila ng kaniyang nanay malapit sa ilog. Tumabi si Rashana sa kaniya habang tinatapos ang regalo niya para sa kaniyang anak. Siya na mismo ang nagputol ng puno, nag-ukit, at nagpakintab ng kulitong na ginagamit ni Urien ngayon. Ang batang Urien, naglalaro lamang sa ilog, pinapanood ang daloy ng tubig at hinahabol ang mga paruparo. Nang ibinigay ito sa kaniya, nanginginig ang kamay ng ina. Niyakap siya nito bago niya masubukang patunugin ang mga kuwerdas. Sa unang kalabit ni Urien, nabighani na siya sa musika. Nakakapanghinayang na tapos na ang mga araw na iyon. Ang iniisip nalang ni Urien ay, hindi na maiiwasan ang nangyari sa kaniyang ina. Bata pa lamang siya ay may problema na ang kaniyang ina. Panahon na lamang ang naghihintay. Ngunit hindi talaga matanggal ang sakit¡­ Sa hangin ng latian nalang niya hinahanap ang mapagmahal niyang Rashana. Kahit mga alaala nalang ang magpasaya sa kaniya, sapat na ito. At tsaka, mapayapa naman ang mundo. Kasama lang niya ang mga kuliglig na nagtatago sa mga puno, ang mga buwaya na marahil naghihintay na sa kaniya sa pagbagsak niya sa ilog. Buti rito, kahit nag-iisa siya, hindi niya nararamdaman na siya¡¯y mag-isa. Hindi katulad ng kapag kasama niya ang mga Curan, kahit na maraming kasabay, tila ba ang hirap makisalamuha. Buti rito, makagagawa siya ng musika na hindi nagbibigay ng mensahe, o sinasaway ang tao, o may ano pang ibang layunin. Dito, purong mahika lang sa kaniyang tainga ang bumubunga. Kalimbahing tinig¡­ Ang unang kantang itinuro sa kaniya ni ina. Oyaying kaibig-ibig¡­ O, kay sarap pakinggan ng himig mo, Sa aking paghimbing¡­ Kay tagal na nang huli niyang maalala ang kantang ito. Sa kaniyang isip, para bang sinasabayan pa siya ng kaniyang ina. Naririnig niya ang boses niyang mahiwaga, na hindi na niya naririnig kahit minsan. ''Di ko malilimutan, Ang kumot ko na luntian¡­ Niyayakap mo ang puso, Hanggang sa paghilom ng mundo¡­ Lumakas pa ang boses ni Rashana sa kaniyang isip. Kay tamis pakinggan, nakakaantok¡­ Kung puwede lang na humiga na muna siya katabi ng kaniyang ina, na walang pake sa mga problema ng mundo¡­ Ang rosas nyang mga pisngi, At ilan pa ngang ngiti ang binigay sa malamayang buhay¡­ Natakpan ng bahaghari, Lumuha na si Urien. Hinayaan lang niyang matubigan ang damo ng kaniyang luha. Lumabo ang kaniyang paningin. Parang nag-iba ang paligid. Ngunit tuloy pa rin siya kahit nanginginig na ang boses. Lumiliwanag na nga ata, sa tingin niya¡­ Ang langit na kung kailan lamang ay bughaw, Ngayon ay nagnining sa paglubog ng araw¡­ Kinulay mo ang dagtum na planeta¡­ Kalimbahing tinig ang iyong tanging sandata¡­ May namumuong liwanag sa paligid na hindi maintindihan ni Urien. Para bang sumasalangit ang kaniyang kaluluwa. Iniisip niya ang kaniyang ina. Kung maramdaman siguro niya ang ginhawang ito, makakapagpahinga na ba siyang may ngiti sa mukha¡­? Unti-unti pang lumalakas ang ilaw¡­ Nakabubulag na. Ang musikang dinadala¡­ pinipintura ang mundo¡­ Salamat sa iyo¡­ Napahinto na si Urien. Hindi na ito tama¡­ gabing-gabi na, ngunit parang ang liwanag ng mga gilid ng puno. Tumigil siya sa pagkanta, at inilapag ang kulitong sa tabi ng puno. Hindi ganito ang ningning ng buwan. Sinundan niya ang ilaw, kung saan ba ito nanggaling. Dahan-dahan siyang lumakad patungo rito. Hanggang sa marinig niya muli ito¡­ ang boses ng kaniyang ina. Kulay lilang paningin¡­ Sa mundong binuksan sa akin¡­ Ang aramillang liwanag, Ng umagang iyong inihain¡­ Ngunit hindi siya ito. Iba ang boses na ito. Masyado siyang¡­. Mahiwaga. Ang tunog ay mukhang hindi galing sa bibig ng isang tao. Nagtaka si Urien. Kahit nakabubulag na, nilapitan niya ito. Pinikit niya ang kaniyang mga mata, mabagal na inaangat ang kaniyang paa para sa susunod na pagyapak¡­ Ano ang nangyayari? Tik. Hindi pa man nagsimulang maunawaan ni Urien ang nangyayari, natapilok siya. Natumba ang dalaga at napasigaw siya. Biglang dumilim ang lahat. Nawala ang ilaw. Nanibago nang bigla ang kaniyang mga mata. At hindi na niya inaakalain, nahuhulog na pala siya sa bangin. Gumulong ang katawan ng dalaga pababa, ginagasgas ng mga bato''t kahoy, dinudumihan ng lupa. Bumagsak ang kaniyang katawan sa buhangin. Huminga siya nang malalim. Hinawakan ang sariling katawan. ''Buhay pa.'' bulong niya. Tumayo si Urien at inayos ang kaniyang sarili. May idadagdag nanaman siya sa lalabhan. Napasimangot nalang siya. Ngunit hindi niya malimutan ang ilaw. Saan ito nanggaling? Sino ''yung kumakanta? Bakit ito nawala noong gumawa ako ng ingay? Marami pang tanong ang tumatakbo sa kaniyang isipan. Nabigla siya. Napaupo ang dalaga sa lupa at nag-isip. Ngunit mas madadagdagan pa ang kaniyang mga katanungan. Lumingon si Urien at kaniyang nakita ang sa tingin niya ay ang pinanggalingan ng ilaw at musika. Isang malaking makina na watak-watak at punong puno ng lumot. May kakaunti pang usok na lumalabas mula sa taas nito. Nilapitan niya ito at hinawakan¡­ makinis. Sinasalamin ng materyal ang ilaw ng buwan. Madulas rin, mukhang galing sa karagatan¡­ ''Ano ito¡­?'' tanong niya sa sarili niya. At biglang may tumapak sa damuhan. Sa likuran nito, nakatayo ang isang binata. Duguan, marumi, basang-basa. "T-tulong¡­" tawag ng binata.